February 19, 2026

Home BALITA National

'I will pray for her intentions!' Sen. Lacson, nag-good luck kay VP Sara

'I will pray for her intentions!' Sen. Lacson, nag-good luck kay VP Sara
Photo courtesy: File Photo

Naglabas ng komento si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa naging proklamasyon ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siyang Pangulo ng Pilipinas sa susunod na eleksyon. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Ayon sa naging pahayag ni Lacson mula sa inilabas na ulat ng GMA News nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, sinabi niyang karapatan naman daw ng bawat Pilipino ang tumakbo sa pampublikong posisyon kung “qualified” o pasok ang mga ito sa kuwalipikasyong alinsunod sa konstitusyon. 

“It is the right of every Filipino who is qualified under the constitution to run for an elective public office,” pagsisimula niya. 

National

Palasyo, nanindigang naaayon sa batas ang pag-aresto kay FPRRD

Photo courtesy: GMA News (FB)

Photo courtesy: GMA News (FB)

Ani Lacson, sigurado raw siyang may dahilan ang pangalawang pangulo at mga “adviser” nito kung bakit sila maagang nagdeklara sa pagtakbo. 

“I am sure VP Sara Duterte and her advisers have their reasons for declaring early,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Lacson, “good luck” na lang daw ang mahihiling niya sa presidential bid ni VP Sara at ipagdarasal umano niya ang intensyon nito sa pagtakbo o maging ng kung sinomang magdedeklara pa ng kanilang plano para sa susunod na eleksyon.

“I can only wish her good luck in her bid and will pray for her intentions and whoever else will decide to run to lead our country in 2028-2034,’ saad niya. 

Anang senador, matatapos daw ang kaniyang karera sa pagseserbisyo sa publiko sa darating na Hunyo 30, 2031 at wala raw siyang ibang hiling kundi ang ikabubuti ng bansa sa darating pang mga dekada. 

“Being in the twilight of my public service career which ends on June 30, 2031, I can only hope for the best to happen to our country in the decades to come,” ‘ika niya. 

“I believe corruption is the biggest stumbling block in achieving economic progress and development that our people rightly deserve,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o pahayag si VP Sara kaugnay rito. 

MAKI-BALITA: Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!

MAKI-BALITA: 'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

Mc Vincent Mirabuna/Balita