February 19, 2026

Home BALITA Eleksyon

'Dapat si Leni!' Sen. Erwin Tulfo, 'di na bet tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

'Dapat si Leni!' Sen. Erwin Tulfo, 'di na bet tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

Nilinaw ni Sen. Erwin Tulfo na hindi na raw siya nagbabalak na tumakbo sa mas mataas pang posisyon sa 2028.

Sa kaniyang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, iginiit niyang pati raw ang kaniyang pamilya ay hindi na rin siya papayagang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028.

“‘Pag tumakbo ka na naman, problema na naman… Ayaw na ayaw ko na, pati pamilya ko ayaw na ng mga intriga, ng ingay kasi ‘pag tumakbo ka sa higher office, kawawa ka,” anang senador.

Kaugnay nito, itinuro naman ni Tulfo na dapat si Naga City Mayor Leni Robredo at mga kapartido nito sa Liberal ang siyang dapat na tumakbo sa mas matataas pang posisyon.

Eleksyon

PDP Laban, suportado pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo

“Dapat si Leni Robredo siguro at saka yung mga kasama n’ya sa liberal,” saad ni Tulfo.

Matatandaang minsan nang nagging matunog ang pangalan ni Sen. Erwin bilang isa sa mga maaaring bitbitin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pagkapangulo sa 2028.

Samantala, noong Pebrero 18 nang kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2028. 

Matapos ang muling pag-ugong din ng kaniyang pangalan bilang katapat ng VP Sara, hindi pa muli naglalabas ng pahayag si Robredo tungkol sa kaniyang desisyong muling sumabak sa mas mataas na posisyon sa darating na national elections sa 2028.