February 18, 2026

Home SHOWBIZ

'Walang halong kaplastikan!' Sunshine Garcia, ipagdarasal buong pamilya ni Izzy Trazona

'Walang halong kaplastikan!' Sunshine Garcia, ipagdarasal buong pamilya ni Izzy Trazona
Photo Courtesy: Sunshine Garcia (FB), Screenshots from Izzy Trazona (TikTok)

Nagpaabot ng mensahe si Sunshine Garcia para sa kapuwa niya SexBomb Girls member na si Izzy Trazona at pamilya nito sa gitna kaliwa’t kanang batikos na natatanggap. 

Sa panayam ng ABS-CBN News kamakailan, hindi naiwasang maitanong kay Sunshine ang hinggil sa kontrobersiyal na panayam ni Alvin, kung saan nadawit din ang mister niyang si Alex Castro na hindi umano dapat pumayag na magtanghal siya sa concert.

Kaugnay na Balita: Alex Castro, flinex 'supportive husbands' ng SexBomb; inurirat reaksiyon kay Alvin Aragon

Ngunit naging maingat naman ang sagot ni Sunshine matapos hingan ng reaksiyon.

Giit ni Suzette: 'Hindi sex o libog hanap ng mga nanood sa Sexbomb concert!'

“Ayaw ko na mag-comment kasi sabi nga ng asawa ko na huwag na nating patulan. Mas maraming dapat asikasuhin, problemahin, at solusyunan,” saad ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “Ibigay na natin ‘yon sa kanila. Kung sinabi nila ‘yon, personal na opinion nila ‘yon. Wala tayong magagawa roon. Magrespetuhan na lang tayo.”

Kaya naman ipagdarasal na lang umano niya si Izzy at ang pamilya nito para malampasan ang kasalukuyang pinagdaraanan.

Aniya, “Ipagpi-pray namin kayo at ‘yong buong pamilya n’yo. Walang halong kaplastikan. Kailangan nilang malampasan ‘yan.”

Samantala, tiniyak naman ni Sunshine na walang masamang tinapay sa pagitan nila ng kapuwa SexBomb Girls member. Sa katunayan, magyayakapan pa nga raw sila ni Izzy sakaling magkita silang dalawa.

Kaugnay na Balita: Aira Bermudez, pinost video ng supportive husbands ng SexBomb; netizens, may patutsada!