February 18, 2026

Home SHOWBIZ

Sofia Trazona, windang matapos mapagbuhatan ng kamay ni Alvin Aragon

Sofia Trazona, windang matapos mapagbuhatan ng kamay ni Alvin Aragon
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Alvin Aragon (FB)

Inilahad ng anak ni SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Sofia Trazona ang naranasan niyang pamimisikal umano ng stepfather niyang si Alvin Aragon.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Martes, Pebrero 17, nausisa si Sofia tungkol sa pakikitungo niya kay Alvin noong nasa poder pa siya nito.

“Naging maganda ba ang pakikitungo niya sa ‘yo?” tanong ni Ogie. “Or did he ever hurt you, or hit you?”

Sagot niya, “One time lang naman. Pero do’n po ako na-shock. Kasi never din po akong na-hit ng parents ko. Kunwari, papagalitan nila ako, gano’n. Wala pong pisikal.”

Tsika at Intriga

Izzy Trazona sa kinahaharap na isyu: 'Gumigising everyday by the strength that God gives!'

“Pero ‘yong talak po ng parents ko, ramdam. Hindi galit pero ramdam. Gusto nilang ipaintindi kung bakit ka nagkamali; bakit ito ang magiging consequence ng nangyari,” dugtong pa ni Sofia.

Gayunman, nilinaw niya na isang beses lang umano ng nangyari ang pananakit ni Alvin noong 12-anyos siya. 

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay ng pananaw sa isang panayam si Alvin hinggil sa pagiging transwoman ni Sofia, na umani ng samu’t saring reaksiyon.

Bukod dito, hinaluan din niya ng malisya ang pangalan, pananamit, at pagtatanghal ng SexBomb Girls na tila hindi umano kaaya-aya sa mata ng Diyos.

Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality