February 18, 2026

Home BALITA National

'Siya ang may solusyon!' Sen. Imee, suportado si VP Sara sa pagtakbong Pangulo

'Siya ang may solusyon!' Sen. Imee, suportado si VP Sara sa pagtakbong Pangulo
Photo courtesy: via MB

Inilahad sa publiko ni Sen. Imee Marcos ang tila pagsuporta niya sa naging anunsyo ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Halalan 2028. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

Ayon sa inilabas na pahayag ng senadora sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026, sinabi niyang kinumpirma ni VP Sara ang takot ng mga kalaban nito sa politika. 

“Itinaga lamang niya sa bato ang hiling at panawagan ng kanyang mga tagasuporta, kinumpirma rin niya ang takot ng kanyang mga kalaban,” pagsisimula niya. 

National

Akbayan, tinawag na 'palusot' pagtakbo bilang Pangulo ni VP Sara!

Dagdag pa niya, “Siya ang katauhan ng kabaligtaran ng administrasyong ito, siya ang magbibigay ng direksyon sa kawalang patutunguhan ng bansa.” 

Photo courtesy: Sen. Imee Marcos (FB)

Photo courtesy: Sen. Imee Marcos (FB) 

Ani Marcos, taglay raw ni VP Sara ang tapang at malasakit ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumutulong sa mga maralita at pinagmamalupitan. 

“[T]aglay niya ang TAPANG at MALASAKIT ng kanyang ama habang bitbit ang karanasan sa pagtulong sa maralita, mga nangangailangan at pinagmalupitan,” diin niya. 

“Siya ang MAY SOLUSYON,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang pormal na inanunsyo ni VP Sara ang opisyal niyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa paparating na Halalan 2028 nito ring Martes, Pebrero 18, 2026. 

Ani VP Sara, ilalaan daw niya ang kaniyang buhay, lakas, at “future” o hinaharap para magserbisyo sa bansa sa halip na lumuhod at humingi ng kapatawaran dahil sa pagtulong umano niya noon na mahalal sa puwesto si PBBM. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa sa pagtakbo ni VP Sara bilang Pangulo: 'Tayo po ay may free will'

KAUGNAY NA BALITA: Patawad! VP Sara, humingi ng paumanhin sa pagtulong mahalal si PBBM

Mc Vincent Mirabuna/Balita