Nagbigay ng reaksiyon ang Palasyo hinggil sa naging pormal na anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siyang Pangulo ng Pilipinas sa 2028, matapos ang isinagawang press conference nitong Miyerkules, Pebrero 18.
"Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” anang Pangalawang Pangulo.
“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” pagwawakas niya sa kaniyang talumpati.
Kaugnay na Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Nausisa si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro kung ano raw ang masasabi ng Palasyo patungkol dito.
"Good luck," anang press officer.
"Nadinig niya po at ang sabi niya eh, good luck. Iyon lamang po."
Nag-follow-up naman ng tanong kay Castro si GMA news reporter at news anchor Ivan Mayrina kung paano raw sinabi ni PBBM ang good luck para kay VP Sara.
"Nakangiti naman po siya eh," anang Castro.
''So kung sarcastic 'to o hindi, hindi ko masasabi," sundot pa niya.