February 18, 2026

Home BALITA National

Palasyo laban kay Jack Argota: 'Ang lumabag sa batas ay dapat managot!'

Palasyo laban kay Jack Argota: 'Ang lumabag sa batas ay dapat managot!'
Photo courtesy: Screenshot from PCO/Jack Argota (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng sagot si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro patungkol sa pagpo-post ng vlogger na si Jack Argota, sa pekeng medical certificate ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Nitong Miyerkules, Pebrero 18, nagsadya si Argota sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang padalhan ng subpoena, kaugnay sa nabanggit na post.

Nang matanong ng isang miyembro ng media si Castro kaugnay rito, sa isinagawang press briefing, sinabi ni Castro na kailangang maipatupad ang batas kung ito man ay nalabag.

Ang batas ay dapat ipatupad. Ang lumabag sa batas ay dapat managot. Hindi po kasi ginagawang biro ang pagko-content lalo na kung makakaapekto ito hindi lamang sa taong ginawa mong subject matter sa iyong content kundi sa buong tao, sa buong mamamayan na maaaring makapanood ng inyong mga fake news," ani Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro.

National

Gabriela, nag-react sa presidential bid ni VP Sara: 'Sawang-sawa na ang kababaihan sa mga korap!'

"Nilalabanan po natin ang fake news at hindi po dapat ito gagawin at pagkasabi ng sorry ay tapos na. So tingnan na lang po natin kung anong mangyayari po diyan at kung wala naman siyang kasalanan, eh ipagtanggol na lamang niya ang kaniyang sarili," aniya pa.

Sundot na tanong ay kung itutulak ba ng Palasyo na makasuhan ang nabanggit na vlogger o iba pang mga nagpapakalat ng fake medical certificate.

"Ang nagsampa naman po ay NBI. Kung ano po ang nakikita nilang labag sa batas, dapat panagutin," tugon naman ni Castro.

Samantala, sa ambush interview ng media, inamin naman ni Argota na pekeng larawan ang ipinost niya sa social media, at ito ay pagsabay lang aniya sa uso at para magkaroon ng engagement.

Kaugnay na Balita: 'Para makasabay sa uso!' Jack Argota, inaming forda content lang fake med cert ni PBBM

Aminado siyang nagkamali siya sa kaniyang ginawa dahil hindi raw muna niya inalam mabuti kung tama ba ang ipinost, subalit wala aniya siyang pinagsisisihan.

"Hindi ako nagsisisi pero may pagkakamali ako na slight. Natutunan ko na ‘wag bugso ng damdamin ang pairalin, pag-aralan mo rin kung may katotohanan ba. May mali rin ako pero ‘di ako nagsisisi,” aniya.

Kaugnay na Balita: Jack Argota sa pekeng medical certificate ni PBBM: 'May mali rin ako pero ‘di ako nagsisisi!'

Samantala, hindi pa malinaw kung magsasampa ba ng pormal na kaso ang NBI laban kay Argota.