February 18, 2026

Home BALITA National

'Karapatan naman niya:' De Lima, 'di na raw nagulat sa anunsyo ni VP Sara!

'Karapatan naman niya:' De Lima, 'di na raw nagulat sa anunsyo ni VP Sara!
Photo courtesy: Rep. Leila De Lima (FB), via MB

Nagbahagi ng kaniyang komento si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima kaugnay sa naging anunsyo ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo niya bilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2028. 

Ayon sa inupload na video statement ni De Lima sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026, sinabi niyang hindi na raw sila nagulat sa deklarasyon ng pagtakbo ni VP Sara dahil karapatan naman daw niya ito. 

“Hindi na tayo nagulat sa announcement ni VP Sara,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni De Lima.

Screenshot mula sa FB post ni De Lima. 

National

Palasyo laban kay Jack Argota: 'Ang lumabag sa batas ay dapat managot!'

Dagdag pa niya, “Karapatan naman [niyang] magdeklara kahit napakaaga.”

Giit naman ni De Lima, katulad din umano ng karapatan ni VP Sara ang karapatan ng taumbayan na singilin siya sa mga seryosong alegasyon ng katiwalian at paglabag daw niya sa batas. 

“Tulad ng karapatan din ng mga Pilipino na singilin sya sa mga seryosong alegasyon ng katiwalian at paglabag sa batas—na panawagan na po natin noong 2024 pa,” diin niya. 

Pagpapatuloy pa ni De Lima, mas maganda raw na harapin at sagutin muna ni VP Sara ang mga alegasyong may kaugnayan sa kaniya bago gawing ambisyon ang pagtakbo bilang Pangulo. 

“Mas magandang harapin at sagutin muna niya ang mga ito bago ang ambisyon na maging Pangulo ng Pilipinas,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalab na direktang tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

KAUGNAY NA BALITA: Pagtakbo ni VP Sara sa 2028, hindi para magserbisyo sa mga Pilipino!—Makabayan Bloc

Mc Vincent Mirabuna/Balita