February 18, 2026

Home BALITA National

'Kanino kayo?' Rowena Guanzon, pinapili publiko kina VP Sara at Sen. Risa

'Kanino kayo?' Rowena Guanzon, pinapili publiko kina VP Sara at Sen. Risa
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO, Senate of the Philippines (FB)

Tila nagawang papiliin ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang publiko sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sakali mang magharap ang mga nabanggit sa presidential bid sa Halalan 2028. 

Matatandaan kasing pormal nang inanunsyo ni VP Sara nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026 ang opisyal na pagtakbo niya bilang Pangulo ng Pilipinas sa susunod na eleksyon. 

“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino. Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” anang pangalawang pangulo. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

National

Akbayan, tinawag na 'palusot' pagtakbo bilang Pangulo ni VP Sara!

Ayon naman sa inupload na video ni Guanzon sa kaniyang Facebook page nito ring Miyerkules, ibinalita niya sa publiko ang nasabing pagdedeklara ni VP Sara sa kaniyang pagtakbo. 

“Mga kababayan, nag-declare na po for presidency si Vice President Sara,” aniya. 

Ani Guanzon, nagdeklara na rin daw noon si Hontiveros na tatakbo rin ito kung papalaring piliin ng United Opposition. 

“At nag-declare din si Risa Hontiveros na kung papalarin siya—siya ang unity na kakandidato rin for president,” pagbabahagi niya. 

Dahil dito, hindi tuloy napigilang kuwestiyonin ni Guanzon kung sino raw ang iboboto ng publiko kapag nangyari ang labanang ito sa eleksyon. 

“So far, VP Sara versus Risa Hontiveros. Kanino kayo?” pagtatapos niya.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang pahayag, tugon, o reaksyon sina VP Sara at Hontiveros sa inilahad ni Guanzon sa publiko. 

Kaugnay nito, matatandaan kasing sinabi na rin noon ni Hontiveros ang pananatiling bukas niya sa pagtakbo rin bilang Pangulo sakali mang piliin siya ng United Opposition.

“I remain open, I remain willing. At ‘yong kondisyon ko ay ‘yong tulad no’ng matagal ko na ring sinasabi kung piliin [ako] ng United Opposition,” saad ni Hontiveros noong Pebrero 9, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa sa pagtakbo ni VP Sara bilang Pangulo: 'Tayo po ay may free will'

Mc Vincent Mirabuna/Balita