Desidido na si Vice President Sara Duterte na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa paparating na Halalan 2028.
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Narito ang buong talumpati ni Duterte nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026 sa kaniyang press briefing:
Sara Z. Duterte
February 18, 2026
Assalamualaikum Warahmatulahi Wabarakato
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Proverbs 19:21 states: "Many are the plans in a person’s heart, but it is the LORD’s purpose that prevails."
It took me 47 years to understand that my life was never meant to be only mine. Unlike others, I may not have been born just to chase happiness. For a long time, I questioned the weight of responsibility — to my family, to my country, to everyone who called on me.
Today, I have peacefully accepted that my life is unlike any other.
Sa unang mga buwan pa lang ng aming termino, nakita ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr. sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan.
Dahil hindi ko kinayang maging bahagi ng 2025 national budget na tadta d ng katiwalian, pinili kong umalis sa gabinete—kahit na alam ko na, mula pa noong 2023, na ang magiging kapalit nito ay ang aking impeachment.
Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Patawad kung tinulungan kong mahalal si BBM bilang Pangulo ng ating bansa.
Patawad kung hanggang ngayon ay marami pa ring Pilipino ang nalulunod sa baha nang dahil sa malawakang korapsyon.
Patawad kung lantaran ang pang-aabuso sa ating mga institusyon para sa pansariling interes ng mga pulitiko.
Patwad kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang nananatiling kapos ang kita ng bawat pamilya.
Patawad kung wala man lang tayong tunay na seguridad sa pagkain.
Patawad kung may mga nagkakasakit at binabawian bigla ng buhay dahil sa kakulangan ng maayos at epektibong healthcare system.
Patawad kung ang mga dinadaanan ninyong kalsada, tulay, at proyektong pinondohan ng taumbayan ay madalas masira.
Patawad kung ang krimen, iligal na droga, at terorismo ay tila unti-unti nang lumalapit sa pintuan ng ating mga tahanan.
At Patawad kung wala tayong malinaw at tunay na independent foreign policy—kung kaya’t tila tayo’y naiipit sa tunggalian namamagitan sa mga superpowers tulad ng Tsina at Estados Unidos.
Madalas, iniiwasan ng mga pulitiko ang maagang paghahayag ng kanilang mga plano upang hindi sila maging target ng pag-atake. Ngunit matagal nang sinira ng administrasyong ito ang pangalan ko.
Matagal na akong inaatake gamit ang buong makinarya ng kapangyarihan— mula sa mga scripted na imbestigasyon na ibinalot sa katagang “in aid of legislation,” sa pagkidnap ng aking ama, hanggang sa mga samu’t saring paratang na pilit inuulit-ulit hanggang magmukhang totoo.
Marahil ay matagal na rin akong hinatulan sa mata ng ilan.
Hindi ako kailanman natakot sa pagsira nila ng pangalan ko.
Ngunit - may takot ako para sa ating mga anak.
May takot ako para sa mga susunod na henerasyon.
May takot ako para sa mga kababayan nating walang bahay sa ibang bansa, walang pangalawang pasaporte, walang ibang matatakbuhan kundi ang Pilipinas—kahit ito’y patuloy na nalulugmok sa kahirapan.
Naa koy kahadlok nga moabot ang adlaw nga dawaton na lang nato ang kapobrehon isip kapalaran. Nga maanad na ’ta sa sayop. Nga mawad-an na lang ’ta og paglaom.
Ug labaw sa tanan—naa koy kahadlok nga moabot ang adlaw nga wala na ’tay Pilipinas nga ikahatag sa atong mga anak.
I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness. Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.
Mga kababayan, ibalik natin ang Tapang at Malasakit -
Para sa Diyos.
Para sa Bayan.
At para sa bawat Pamilyang Pilipino.
Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Shukran.