Suportado ng direktor na si Darryl Yap si Vice President Sara Duterte, matapos ianunsyo ng huli ang kaniyang desisyong tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa eleksyon sa 2028.
Sa isang press briefing nitong Miyerkules, Pebrero 18, sinabi ni Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo.
“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas."
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Samantala, sa isang Facebook post, naghayag ng suporta si Yap kay Duterte, kaakibat ang kopya ng talumpati ng bise presidente.
"Mahal ka ng bayan! Iganti mo kami! Tapusin mo sila Inday Sara Duterte!"