Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang larawan ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache kasama ang iba pang mga kapwa batikang artista gaya nina Edu Manzano, Michael De Mesa, at John Estrada.
Bagama't walang binanggit, tila ang tinutukoy ni Direk Darryl ay pagdalo ni Cherry Pie sa "Evening with the Stars" ng Palasyo noong Huwebes, Pebrero 12, na dinaluhan ng mga bigating celebrities at showbiz personalities.
Matatandaang si Cherry Pie ay isang Kakampink o tagasuporta ng "Leni-Kiko" tandem noong presidential elections 2022, at naging kabilang sa cast members ng pelikulang "Oras De Peligro" na idinirehe ni Joel Lamangan noong 2023, bagama't nilinaw ng huli na hindi raw ito sumasagot sa pelikulang "Maid in Malacañang" ni Direk Darryl.
Sa Facebook post ng direktor nitong Martes, Pebrero 17, bahagyang binalikan ng direktor ang naging sagot ni Cherry Pie nang tanungin tungkol sa paggawa niya ng pelikula patungkol sa pamilya Marcos.
Mababasa sa post ng direktor, "Ah umattend din pala si Cherry Pie HAHAHAHAHA"
"Reporter: Ano po ang masasabi nyo sa paggawa ni Darryl Yap ng Movies tungkol sa Marcoses?"
"Cherry Pie: MAY KONSENSYA PA BA SYA? HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"
"Lord, Sana hindi pumunta si Direk Joel Lamangan, please— kahit yun na lang. HAHHAHAHA!"
Photo courtesy: Screenshot from Darryl Yap (FB)
Samantala, isang netizen naman ang napatanong kung ano na ang mangyayari gayong sa isang naunang Facebook post, sinabi ni Direk Darryl na may "respeto" siya sa batikang aktres.
Nauna na kasing sinita ng direktor ang mga Kakampink na sina Pokwang at Pinky Amador na dumalo rin sa nabanggit na pagtitipon.
"ayun na nga. atras!!!!" sagot ni Direk Darryl sa nabanggit na netizen.
Photo courtesy: Screenshot from Darryl Yap (FB)
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Pokwang, Pinky, at maging si Cherry Pie sa birada ng direktor tungkol sa kanila.
Kaugnay na Balita: 'Present sa pa-buffet ng suka!' Darryl Yap, binanatan sina Pokwang, Pinky Amador dahil sa pa-party ni PBBM