February 17, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin sa birthday ni Sen. Jinggoy: 'Isang karangalan ang makasama kayo!'

Sen. Robin sa birthday ni Sen. Jinggoy: 'Isang karangalan ang makasama kayo!'
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB)

Masiglang binati ni Sen. Robin Padilla ang kapuwa niya senador na si Sen. Jinggoy Estrada sa pagdiriwang nito ng kaniyang kaarawan. 

Ayon sa naging Facebook post ni Padilla nitong Martes, Pebrero 17, 2026, sinabi niyang isang karangalan daw na makasama niya si Estrada sa paglilingkod sa Senado. 

“Maligayang kaarawan, Sen. Jinggoy Estrada!” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Padilla. 

National

Sen. Bam Aquino, bumati sa Fil-Chinese community sa selebrasyon ng CNY

Dagdag pa niya, “Isang karangalan ang makasama kayo sa patuloy na paglilingkod sa Senado.” 

Hiling ni Padilla kay Estrada, patuloy raw sanang pagkalooban ang huli ng kalusugan, lakas, at karungan upang ipagpatuloy ang adhikain nito sa mas maayos at makatarungang lipunan. 

“Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng kalusugan, lakas, at karunungan upang maipagpatuloy ang inyong mga adhikain para sa mas maayos at makatarungang lipunan,” saad niya. 

“Isang mapagpalang kaarawan po,” pagtatapos pa ni Padilla. 

Samantala, agad namang sinagot ni Estrada ang naging bati sa kaniya ng kapuwa senador sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nasabing post ni Padilla sa kaniyang social media feed. 

“Maraming salamat, Senator Robin!” sagot ni Estrada. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita