February 17, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta, tinanggap alok ng PH Bar Assoc: ‘Payag naman ako kahit kailan!’

Sen. Marcoleta, tinanggap alok ng PH Bar Assoc: ‘Payag naman ako kahit kailan!’
Photo courtesy: FILE PHOTO

Tinanggap ni Sen. Rodante Marcoleta ang alok ng Philippine Bar Association, Inc., na pangunahan ang napipintong debate niya laban kay dating Senior Associate Justice Antonio T. Carpio tungkol sa usapin sa West Philippine Sea. 

Ayon sa naging panayam sa Balitanghali ng GMA Integrated News kay Marcoleta nitong Martes, Pebrero 17, 2026, sinabi niyang payag naman daw siya kahit kailan ganapin ang nasabing debate. 

“Payag naman ako kahit kailan,” pagsisimula ni Marcoleta. 

Ani Marcoleta, hindi naman daw niya alam kung tatanggalin ng PBA ang umano’y mga sinaad na limitasyon ni Carpio sa kanilang debate. 

National

Sen. Bam Aquino, bumati sa Fil-Chinese community sa selebrasyon ng CNY

“Nasabi ko na ito ngunit ‘yong limitasyon na kaniyang binabanggit, hindi yata nasabi [ng PBA] kung tatanggalin ‘yong limitations na kaniyang [Carpio] nilagay,” aniya. 

Patuloy pa niya, layunin raw niyang ipanalo ang mamamayang Pilipino sakali mang tanggalin ni Carpio ang mga naturang limitasyon sa kanilang debate. 

“Para naman magwagi ang buong mamamayang Pilipino kasi papaano mo naman ili-limit ‘yong napakalawak na subject matter ng Philippine Sea…” saad niya. 

“Hindi dapat bibigyan ng limitasyon, lalong lalo na [kung] ‘yong limitasyon ay sa akin pa diumano nanggaling ‘yong mga salita na ‘di ko naman talaga sinabi ‘yong ganoon,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang inilahad ng Philippine Bar Association, Inc., sa kanilang Facebook page noong Biyernes, Pebrero 13, 2026, na handa umano silang maging host at magbigay ng venue sa nasabing debate nina Marcoleta at Carpio, kung sakaling matuloy.KAUGNAY NA BALITA: PH Bar Assoc., nag-alok pangunahan public debate ni Marcoleta vs Carpio!

Anila, mahalaga ang nasabing pampublikong debate nina Marcoleta at Carpio upang makita ito ng taumbayan.

Ilan sa alok nila ang pagbibigay ng angkop na venue na maaari ding madaluhan ng media at publiko at magbigay ng pantay na mga panuntunan sa debate para kina Marcoleta at Carpio.

KAUGNAY NA BALITA: Justice vs Senador? Carpio, payag sa hamong debate ni Marcoleta!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, naglatag muna ng kondisyon bago pumuntang KIG

Mc Vincent Mirabuna/Balita