Nakiisa at bumati ang senador na si Sen. Bam Aquino sa Filipino-Chinese community sa bansa sa pagdiriwang nila ng Lunar New Year.
Ayon sa inilabas na video statement ni Aquino sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Pebrero 17, 2026, sinabi niyang hindi raw matatawaran ang kontribusyon ng Filipino-Chinese community sa Pilipinas.
“To our Filipino-Chinese community, happy Lunar New Year,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Aquino.
Dagdag pa niya, “Hindi po matatawaran ang inyong kontribusyon sa ating lipunan.”
Hiling ng senador, magpatuloy raw sana ang pagkakaisa ng taumbayan para sa Pilipinas ngayong magsisimula na ang Year of the Fire Horse.
“Ngayong Year of the Fire Horse, sana po [ay] tuloy-tuloy ang ating pagkakaisa para sa ating minamahal na bansang Pilipinas. Maraming-maraming salamat po and again happy Lunar New Year to all,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, matatandaang nauna na ring bumati sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Filipino-Chinese community ng Lunar New Year sa bansa.
KAUGNAY NA BALITA: 'A season of renewal!' PBBM, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year
KAUGNAY NA BALITA: 'Xin Nian Kuai Le!' VP Sara, nakiisa sa selebrasyon ng Lunar New Year
Mc Vincent Mirabuna/Balita