Kinaaliwan ng mga netizen ang latest post ni Kapuso beauty queen-actress Michelle Marquez Dee kung saan makikita ang mga larawan niya habang may hawak na angpao.
Para ito sa endorsement niya sa isang bangko kung saan nagpaabot siya ng pagbati para sa Chinese New Year.
"Gong Xi Fa Cai! 恭喜发财," mababasa sa caption.
Sa larawan, makikitang nakasuot ng Chinese outfit si Michelle habang may hawak na angpao.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens
"HAHAHAHA dapat daw kasi hintaying bigyan hindi nanakawin"
'I love it hahaha nilaro na lang ang bashers"
"Sige laruin mo lang mga bashers mo hahaha"
"Nilaro HAHAHAHA"
"Mahusay talaga manlaro si mama!!! Haahhahahaaha"
"She ate that!"
Matatandaang kinasuhan niya ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos dahil umano'y ninakaw nitong angpao na naglalaban ng "sensitibong mga larawan" na siyang naging usap-usapan ng mga netizen sa social media.
Kinasuhan naman sina Michelle, Rhian, at isa pang beauty queen na si Samantha Panlilio ng driver ng torture at serious illegal detention matapos umano siyang paaminin at kunin sa kaniya ang kinuha.
Nitong Lunes, Pebrero 16, inireklamo naman ni Michelle ang social media personality na si Xian Gaza ng cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpapakalat umano ng fake news laban sa kaniya.
Kaugnay na Balita: Sinampolan! Michelle Dee, inireklamo si Xian Gaza ng cyber libel sa NBI