Nagsalita ang aktres na si Rica Peralejo sa kaniyang social media hinggil sa sharing ng Bibliya, kasabay ang mainit na isyu ng bashing kay dating Starstruck Avenger, Alvin Aragon kamakailan.
Mababasa sa threads post ni Rica noong Lunes, Pebrero 16, na ibinahagi niyang naiintindihan niya ang kagustuhan ng marami magbahagi ng salita ng Diyos.
Gayunpaman, kinakailangan pa rin daw maging maingat dahil posibleng maging “self righteous” ang labas ng tono kung ang sharing ay hindi nagmumula sa lugar ng pagmamahal.
“I totally understand the desire to share God with other people but when you are not careful in doing it, whereby you sound self-righteous and all, then do not expect the message to come through,” saad ni Rica.
Kaya aniya pa, “love before judgment is the way of God.”
Dahil kung mauuna ang panghuhusga, hindi raw tunay na naintindihan ng nagbabahagi ng Bibliya ang mensahe ng Diyos.
Saad ng aktres, ibinabahagi niya ito dahil minsan na rin daw siyang naging bulag at inakalang dapat ipagtulakan sa ibang tao ang ideya na naiiba siya dahil sa mga pinaniniwalaan niya sa buhay.
“I know this btw cause I was just as blind before. I thought the most important thing to do was to shove it into people’s minds how “different” I am by choosing to “stay pure” and all. Hoping they’d want to change, too,” saad ni Rica.
Sa kabila raw nito, mga papuri lamang mula sa mga kapwa Kristiyano ang nakuha niya at nakaligtaan na ang iba pang dapat na mas makakilala pa sa Panginoon.
“Yet all that did was earn praise from the believers while I totally put off the unbelievers. The irony of catching fish that’s already caught and well within the basket,” dagdag ni Rica.
Sa isang separate post, ipinaalala ni Rica sa kapwa Kristiyano na i-evaluate kung sino nga ba ang mga nakakatanggap ng mensaheng ibinabahagi nila.
“I think Christians should be able to tell what it is they are actually doing. Is it speaking to “the lost” or is it swimming in the praises of fellow believers? Cause you can really confuse the two,” abiso ng aktres.
“You think you’re “sharing the Gospel to those who need it” but the applause really is only coming from those who already know it, thereby making one a fisher of fish that’s already well within the net,” dagdag pa niya.
Bagama’t hindi hayagang binanggit ng aktres na konektado ito sa isyu na kinahaharap ni Alvin, ang mga nasabing posts ay umani ng higit 3k engagement sa Threads, kung saan ang comment section ay napuno ng diskusyon hinggil sa pagbabahagi ng Bibliya sa ibang tao nang hindi nagiging “self-righteous.”
Ilan pa sa mga personalidad na nagsalita kasabay ang mainit na isyu ni Alvin ay sina Mikoy Morales, kung saan ipinaalala niyang unahin ang pagiging mabuti, anuman ang relihiyong pinaniniwalaan.
Si IC Mendoza, kung saan mariin niyang sinabi na itigil ang “weaponizing” ng pananampalataya para makapanakit ng iba, at maging si It’s Showtime host, Vice Ganda na tumirada na ang resignation ni Izzy Trazona-Aragon ang ika-11 utos ng Diyos.
MAKI-BALITA: Vice Ganda nagbiro sa dagdag na utos ng Diyos: 'Mag-resign ka sa SexBomb sabi ng asawa ni Izzy!'
Ito’y matapos mag-viral ang panayam ni Alvin kamakailan, kung saan sinabi niya na nag-resign ang misis na si Izzy sa SexBomb dahil utos raw ito ng Diyos sa kaniya.
Bukod pa rito, mas nadagdagan pa ang naging bashing kay Alvin hinggil sa mariing pagkondena sa sexuality ng panganay ni Izzy na si Andrei “Sofia” Trazona, kabilang ang pahayag na "God will throw you to hell if you continue to do homosexuality."
MAKI-BALITA: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality
Sean Antonio/BALITA