February 17, 2026

Home BALITA Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa
Photo courtesy: Tanggol Migrante Movement (FB)

Pinakawalan ng Immigration and Customs Enforcements ang isang migranteng Pilipino matapos umanong iutos ng federal court na labag sa batas ang pagkakapiit sa kaniya. 

Ayon sa inilabas na ulat ng pahayagang South China Morning Post noong Lunes, Pebrero 16, 2026, kinilala ang migranteng Pilipino sa Amerika na si Greggy Sorio o “Kuya G” sa Tacoma Northwest ICE Processing Centre. 

Anila, tinanggap ni United States (US) District Judge Tana Lin ang hiling at petisyon na “habeas corpus” ng kampo ni Sorio dahil sa depensa nilang “unreasonable treatment” sa nasabing Pinoy detainee na nagdulot sa “extreme consequences” ng kaniyang kalusugan. 

Habang nasa ICE kasi, nagkaroon ng bone infection o ulcerative colitis, isang inflammatory bowel disease, acute blood loss anemia, at pagbagsak ng timbang si Sorio na nagdulot sa pagkaputol ng daliri at iba pang parte ng kaniyang paa. 

Internasyonal

26-anyos na champion bodybuilder, patay habang nagwo-workout sa gym!

Idiniin umano sa Korte ng abogado ni Sorio na si Atty. Louise Carhart na hindi agad naagapan at nabigyan ng medical care si Sorio sa detention center kaya nauwi sa malalang kondisyon ang Pinoy. 

Marso 2025 umano nang maipasok sa nasabing ICE si Sorio at nasa mabuting kalagayan pa ang kaniyang kalusugan, ayon na rin mismo sa mga dokumento ng Korte. 

Ayon sa nasabing ulat, iba’t ibang mga kaso na ang kinaharap ni Sorio: reckless injury noong 2010 at reckless endangerment noong 2016; fourth degree assault noong 2017; bulgarly noong 2019; naaresto na rin si Sorio noong 2023 at na-pleaded guilty dahil sa recklessly causing injury sa isang indibidwal noong 2024; habang naaresto naman umano siya ng mga opisyal ng ICE noong 2025 nang matapos niyang magsilbi sa kulungan sa Alaska. 

Matapos nito, opisyal nang pinakawalan ng Korte si Sorio sa ICE ngunit nahaharap pa rin ito sa deportation order upang mapaalis sa US. 

Sa kabila naman nito, tila nagdiwang naman ang organisasyong Tanggol Migrante Movement na nanawagan sa pagpapalaya kay Sorio. 

Ayon sa naging Facebook post nila sa kanilang page noong Linggo, Pebrero 15, 2026, ipinahayag nila sa publiko ang pagbubunyi nila sa paglaya ni Sorio dahil umano sa pinagsama-samang lakas ng mga Pilipino. 

“On February 13th, the Habeas Petition for Kuya Greggy (Kuya G) was granted, initiating his immediate release from the Northwest Detention Center! The Tanggol Migrante Movement celebrates this major victory, which would have not been possible without the strength of the people,” mababasa sa simula ng caption ng kanilang post. 

Diin ng Tanggol Migrante Movement, hindi raw nila malilimutan ang gobyerno ng Pilipinas, partikular ni Assistance to Nationals Officer Bernice Santayana, dahil sa kabiguan umano nitong ipaglaban ang kalusugan ni Sorio at kabiguan din umanong makipag-ugnayan sa ICE at Geo Group upang abyarin ang kaniyang deportasyon. 

“As we celebrate today, we will never forget the Philippine government, through staff like Assistance to Nationals Officer Bernice Santayana, failed to genuinely advocate for his well-being and even cooperated with ICE and Geo Group to expedite his deportation,” tindig nila. 

“The Tanggol Migrante Movement is resolved to continue the fight for our detained migrants and other Filipinos in crisis and advance our demands for ATN Officer Bernice Santayana to resign…” patatapos pa nila. 

Samantala, ayon pa rin sa Tanggol Migrante Movement, nanindigan pa rin daw sila at inalmahan ang deportasyon ni Sorio sa US at naibaba nila ito sa eroplano sa huling sandali ng kaniyang pagbalik sana sa Pilipinas. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita