February 17, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Hindi akin 'yan!' Alvin Aragon nagduda sa pagbubuntis ni Izzy noon, kinalkal ng netizens

'Hindi akin 'yan!' Alvin Aragon nagduda sa pagbubuntis ni Izzy noon, kinalkal ng netizens
Photo courtesy: Screenshots from Izzy Trazona (TikTok)

Muling naging sentro ng usapan sa social media ang isang lumang TikTok video ng mag-asawang Alvin Aragon at dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona matapos itong muling kumalat online kasabay ng mga batikos na kinahaharap ng dating "StarStruck" season 1 avenger sa mga nagdaang araw.

Ilang araw nang pinupulutan sa social media si Alvin kaugnay ng kaniyang mga naging pahayag sa isang panayam tungkol sa ilang personal na isyu na kinasasangkutan ng kaniyang asawa—kabilang na ang pag-alis nito sa SexBomb Girls at hindi pagsali sa reunion concerts, at ang usapin sa kanilang pamilya, lalo na sa anak nitong transwoman na si Andrei "Sofia" Trazona.

"Sinasabi nila, ‘Kaya pala wala sa SexBomb si Izzy dahil sa lalaking 'yan, eh.’ Teka lang, ha! Matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang. Hindi pa nga ako yung asawa, eh," paliwanag ni Alvin.

“Sino ang nagpa-resign kay Izzy sa SexBomb? Ang Panginoon, noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ni Lord," aniya pa.

Tsika at Intriga

‘Love before judgment!’ Rica Peralejo, kumuda na rin kasabay mainit na bashing kay Alvin Aragon

Bukod pa rito, nagbigay rin ng pananaw si Alvin tungkol sa pagiging transwoman ng pangana na anak ni Izzy na si Andrei "Sofia" Trazona.

Si Sofia ay anak ni Izzy sa dating karelasyong si Michael Navarro.

Malinaw na hindi panig si Alvin sa ginawa ng kaniyang stepdaughter, na ang saligan pa rin ay mga katuruan sa Bibliya.

"Eh totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality."

"Read Genesis 17:18 and 19 — 'those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men, and God judged Sodom and Gomorrah."

"Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, 'di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo."

"God will throw you to hell if you continue to do homosexuality."

"Mamuhay ka, and you don't want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don't stop, repent, and believe in the gospel," aniya pa.

Sa gitna ng tumitinding diskusyon online, muling nabuhay ang isang video mula Pebrero 2025 kung saan makikitang ipinagdiriwang ng mag-asawa ang kanilang anibersaryo.

Sa naturang video, binalikan nila ang mahahalagang yugto ng kanilang pagsasama, kabilang ang kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang magpositibo sa Covid-19 si Izzy habang siya ay buntis sa kanilang ikatlong anak. Tatlo ang anak ng mag-asawa na sina Yana, Zoe, at Shekhinah.

Sa naturang video, inalala ni Alvin ang sandaling ipinakita ni Izzy ang resulta ng pregnancy test. Ayon sa kaniya, inamin niyang nagkaroon siya ng pagdududa kung siya nga ang ama ng ipinagbubuntis nito, lalo’t madalas umanong nasa hotel si Izzy noon dahil sa trabaho.

"Pinakita niya sa akin ang pregnancy test niya, positive siya. Sabi ko, ‘Hindi akin ’yan,’” anang Alvin.

“Nagho-hotel ’to eh, nagpo-promote siya ng Netflix no'ng time na ’yon sa ABS (ABS-CBN). Malay ko kung anong nangyari, siya lang mag-isa do'n, hindi ako kasama,” katwiran pa niya.

Ibinahagi ni Alvin na sa gitna ng kaniyang pag-aalinlangan ay kumapit siya sa kaniyang pananampalataya at humingi ng gabay. Naniniwala raw siya na kung may nagawang mali ang kaniyang asawa, ito ay mahahalata sa pamamagitan ng konsensya nito. Dagdag pa niya, tuluyang nawala ang kaniyang pagdududa nang isilang ang bata at nakita niyang may pagkakahawig ito sa kaniya.

"Until ni-reveal ng Lord through my devotion. Kung 'yan si Izzy, may kasalanan, guilty ang itsura niya."

Cool at natatawa namang sey ni Izzy, "“Pinabayaan ko lang siya. Bahala ka."

“Paglabas ng baby, kamukha ko,” ani Alvin sa video, kung saan nagkatawanan pa silang mag-asawa. 

Ang muling pagkalat ng nasabing clip ay nagbunsod ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens, lalo’t kasabay ito ng iba pang kontrobersiyang kinahaharap ng mag-asawa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"The revelation of Alvin doubting their third child was his, hit hard. Even after having 2 children, how could you still question Izzy about the child? Hmmmm."

"Andito tayo because? Anyway, ang ating bida ay talaga namang ganap na ganap."

"sa part na nag doubt sya sa third baby, maybe ganon lang sense of humor nya pero syempre parang offensive sa part ni izzy kasi given na they are talking about Godly relationships. but everybody is a work in progress even religious people. dahil sa issue ngayon, i know na God is teaching something not only to alvin but to other people as well."

"Iba pa rin talaga yung asawa na sumusuporta kung saan masaya yung asawa nya, hindi yung cya ang nagsasalita pra sa asawa nya na ayaw nya ng ganito ganyan ang asawa nya."

"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng mag-asawa hinggil sa mga bashing na natatanggap nila, lalo na si Alvin.

Kaugnay na Balita: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality