February 17, 2026

Home BALITA Probinsya

Biyudang pinaghananap sa Pampanga, natagpuang bangkay na!

Biyudang pinaghananap sa Pampanga, natagpuang bangkay na!
Photo courtesy: Angeles City Police Office (FB)

Natagpuan na bilang isang malamig na bangkay ang biyudang ilang araw pinaghahanap ng mga awtoridad sa Angeles City, Pampanga. 

Base sa ulat ng Angeles City Police Office nitong Martes, Pebrero 17, natagpuan ang mga labi ng biyudang si Maria Teresa “Tess" Mamac malapit sa isang septic tank, katabi ang isang dating piggery o babuyan sa kaniyang residential compound, bandang 6:00 ng gabi, noong Lunes, Pebrero 16.

Ang bangkay ng ginang ay kinilala ng kaniyang mga anak. 

Nai-turnover na ang mga labi sa isang funeral service para sa maayos na disposisyon at autopsy upang matiyak ang dahilan sa likod ng pagkamatay nito. 

Probinsya

Kinuyog sa kadugyutan! SK chairman sa Laguna, nag-sorry sa paghawak sa mga panindang siopao at hotdog

Sa kabilang banda, maigting na ipinag-utos ni Angeles City Mayor Carmelo 'Jon' Lazatin II sa Angeles City Police Office ang paghahanap sa isang indibidwal na kinilala nila bilang alyas “Banddong,” na itinuturing nilang “person of interest.” 

Saad sa pahayag na nagpapatuloy din ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon para sa paspasan na paghuli sa suspek. 

Matatandaang unang naiulat ang pagkawala ng ginang noong Huwebes, Pebrero 12, bandang 8:45 PM hanggang 8:49 PM. 

MAKI-BALITA: ₱200k, pabuya sa makakakita sa nawalang biyuda ng isang chairman sa Pampanga

Si Tess ay biyuda ng pumanaw na kapitan ng Brgy. Balibago, na si Rodelio Mamac. 

Sean Antonio/BALITA