February 17, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Apo Whang-Od, 109 na; bakit hindi pa National Artist?

Apo Whang-Od, 109 na; bakit hindi pa National Artist?
Photo courtesy: Vogue via MB

Ipinagdiriwang ng tinaguriang "Oldest Mambabatok" o tattoo artist sa Pilipinas si Apo Whang-Od ngayong Martes, Pebrero 17, 2026 sa edad na 109.

Ipinanganak si Apo Whang-Od o Maria Oggay noong Pebrero 17, 1917. Siya ay mula sa Butbut tribe sa Buscalan, Kalinga na talagang dinarayo hindi lamang ng lokal na turista kundi maging ng mga dayuhang nais magpa-tattoo sa kaniya.

Bukod sa kahanga-hangang paraan ng pambabatok o pagdidibuho ng tattoo, kilala rin si Apo Whang-Od sa kakaibang gawi kung saan "dinadaklot" o "sinasapo" niya ang kargada ng mga lalaking sa paningin niya ay guwapo; at walang pumapalag sa kaniya!

Kaugnay na Balita: Fans, inggit! Apo Whang-Od, dinaklot si Piolo Pascual

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga tradisyunal na paniniwala sa paggunita ng ‘Ash Wednesday’

Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pinakamatandang mambabatok dahil sa naging kontribusyon nito sa tradisyunal na sining sa bansa.

Iginawad ng Pangulo ang Presidential Medal of Merit at Outstanding Government Workers of 2023 awards sa noo'y 106 taong gulang na tattoo artist sa ginanap na Honor Awards program ng Civil Service Commission sa Malacañang.

"We are honoring Apo Whang-Od for works that have made her and the country famous for other achievements that make her Filipino worthy of our respect and of our admiration. She’s a pioneer in shattering gender stereotypes, venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve,” pahayag ni Marcos.

Kaugnay na Balita: Oldest tattoo artist Apo Whang-od, pinarangalan ni Marcos

Noong 2018, iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kay Whang-od ang prestihiyosong Dangal ng Haraya award sa Tabuk, Kalinga.

Bukod dito, nakatanggap din siya ng HIYAS Award for Indigenous Art mula naman sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Setyembre 2022.

Sa kabilang banda, marami naman ang nagsusulong na sana raw, gawin na rin siyang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist para sa Visual Arts category.

Lumakas ang panawagang maging nominado siya nang magsuot ng evening gown si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na inspired kay Apo Whang-od.

Kaugnay na Balita: Kilalanin: Si Apo Whang-Od bilang inspirasyon sa evening gown ni MMD

Kaugnay na Balita:   Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Subalit ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP, hindi raw eligible ang craft ni Apo Whang-Od para sa pagka-National Artist, batay sa pahayag ni National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Victorino Manalo.

Ayon sa paliwanag, papatak daw kasi ang artistic craft ni Apo Whang-Od sa GAMABA o Gawad sa Manlilikha ng Bayan. Matagal nang lumulutang ang pangalan ni Whang-Od para sa nabanggit na award noon pang 2015, subalit hanggang sa kasalukuyan ay on-going pa rin ang deliberasyon para sa kaniya.

Saad naman ng NCCA deputy executive director na si Marichu Tellano, wala pa raw naipapasang nominasyon para kay Apo Whang-Od sa pagka-National Artist.

Katwiran naman ng mga nagsusulong na qualified si Apo Whang-Od sa pagiging National Artist, ang craft ng mambabatok ay nasa ilalim ng Visual Arts.

Kaugnay na Balita: Apo Whang-Od, bakit hindi puwedeng maging National Artist?

Noong 2024, napabilib sa kaniya si European Union (EU) Ambassador Luc Véron nang personal siyang magpa-tattoo kay Apo Whang-Od.

Sa sobrang bilib, nagrekomenda pa ang ambassador na mabigyan ng parangal ang mambabatok.

"What an incredible experience it was to meet Apo Whang-Od, the esteemed mambabatok and protector of a tradition that has been passed down for centuries," aniya sa kaniyang X post noong Enero 25, 2024.

"I wholeheartedly endorse her for the prestigious National Living Treasures Award in the ??."

Kaugnay na Balita: EU ambassador, napabilib kay Apo Whang-Od; ineendorso sa isang award

Dumating din sa puntong naitampok si Apo Whang-Od bilang cover sa isang fashion and lifestyle magazine sa Amerika. Maraming international celebrity ang humanga sa taglay na ganda ng mambabatok.

Kaugnay na Balita: International celebs, hanga sa ganda ni Apo Whang-od

Pero kasabay ng pamamayagpag ni Apo Whang-Od sa loob at labas ng bansa, hindi maiwasang mapagsamantalahan ng ilang oportunista ang kaniyang pangalan at kakayahan sa larangan ng tradisyonal na pagta-tatoo.

Kaugnay na Balita: Paratang ng apo ni Whang-Od, ‘scam’ ang masterclass ni Nas Daily!

National Artist man o hindi, isa lang ang mahalaga: isang tunay na kayamanan at karangalan si Apo Whang-Od sa Pilipinas at sa lahing Pilipino!