Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pinakamatandang mambabatok sa buong mundo na si Apo Whang-od dahil sa naging kontribusyon nito sa tradisyunal na sining sa bansa.

Iginawad ng Pangulo ang Presidential Medal of Merit at Outstanding Government Workers of 2023 awards sa 106 taong gulang na tattoo artist sa ginanap na Honor Awards program ng Civil Service Commission sa Malacañang nitong Miyerkules.

"We are honoring Apo Whang Od for works that have made her and the country famous for other achievements that make her Filipino worthy of our respect and of our admiration. She’s a pioneer in shattering gender stereotypes venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve,” pahayag ni Marcos.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Si Whang-od ay itinuturing na pinakahuling mambabatok ng lalawigan at galing sa tribu ng Butbut bu Buscalan, Kalinga.

Noong 2018, iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kay Whang-od ang prestihiyosong Dangal ng Haraya award sa Tabuk, Kalinga.