February 16, 2026

Home SPORTS

Sikat na fast-food chain, nagbabalak na ring makipaghampasan sa PVL?

Sikat na fast-food chain, nagbabalak na ring makipaghampasan sa PVL?

Nagbabadya umano ang isang sikat na fast-food chain na makipagsabayan sa Premier Volleyball League (PVL), kasunod ng pag-alis ng dalawang pro-team sa liga.

Ayon sa mga ulat, nagkakaroon na umano ng usap-usapan ang pamunuan ng Jollibee at PVL para sa pagsabak nito sa kanilang kauna-unahang volleyball pro-team.

Matatandanag mas umugong ang posibilidad ng pagpasok ng Jollibee sa PVL matapos ang pagkawala ng Chery Tiggo at pag-file naman ng Leave of Absence (LOA) ng reigning champion na Perto Gazz Angels (PGA).

Sa kasalukuyan, ang PVL ay binubuo ng 10 koponan kabilang ang PLDT at Cignal mula kay Manny V. Pangilinan, ang Rebisco Teams ni Jonatahn Ng na Cream at Choco Mucho, ang Capital One ng Romero family, ang Akari at NXLed nina Christopher at Cara Tiu, ang Zus Coffee at Farm Fresh ng Frank Lao at Galeries Tower ng Grand Taipan Land Development.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Matatandaang matagal nang umuugong ang mga balitang may iba't ibang kompanya na raw ang nagbabalak na sumali sa PVL o bumili sa ibang franchise teams.

Sa kabila nito, minsan nang nilinaw ni PVL President Ricky Palou na kinakailangan umano ng mga kompanyang nagnanais ng franchise team na magkaroon ng long-term financial stability.

Ngayong 2026 rumatsada ang PVL All Filipino Conference kung saan kasalukuyang nangunguna sa torneo at Cignal Super Spikers.