Usap-usapan ng mga netizen ang makahulugang appreciation post ni SexBomb Girls member Sunshine Garcia para sa mister niyang dating aktor at Bulacan Vice Governor Alex Castro, na anila, ay mukhang "shady" at "lowkey parinig" umano sa mister ng dating kasamahang si Izzy Trazona, na si Alvin Aragon.
Ayon sa Facebook post ni Sunshine noong Linggo, Pebrero 15, pinasalamatan ni Sunshine si Alex dahil bukod sa date night nila para ipagdiwang ang Araw ng mga Puso, sinusuportahan daw siya nito para lumago at gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kaniya.
Kapansin-pansing naka-capslock ang mga salitang "SUPPORT" at "GROW" sa post.
"My date last night. Nagkaroon din tayo ng quality time. Hindi mo nakakalimutan talagang maging sweet, girl na girl ako haha! And thank you lagi sa SUPPORT, hinahayaan mo akong mag GROW at gawin yung mga bagay na makakapag pasaya sa akin thank you sa pag intindi. I love you VG Alex Castro," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Sunshine Garcia/FB
Ang mga netizen naman, bagama't walang binanggit na pangalan o tinukoy si Sunshine, ay tila ikinokonekta ito kay Alvin, matapos mag-viral ang mga naging sagot nito sa isang panayam kung bakit hindi nakasama ang misis na si Izzy sa reunion concerts ng kinabibilangang girl group.
Isa pa, nagbitiw rin ng pahayag si Alvin patungkol kay Alex dahil sa pagpayag nitong sumayaw pa rin ang misis sa stage.
“Sinasabi nila, ‘Buti pa ‘yong asawa ni Sunshine, Vice Governor, pinayagan sila mag-concert.’ Dapat nga hindi eh. Dapat nga, ‘yong asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki,” aniya.
Dito ay inungkat pa ni Alvin ang naging pangako niya noon kay Izzy, noong mag-jowa pa lang sila, na hindi niya ito hahalikan hangga't hindi pa sila kasal.
“Niligawan ko nga asawa ko simula 2011 hanggang bago kami ikasal, naging fiance kami. Sabi ko, ‘Hindi ko siya hahalikan, eh, until the pastor, you may kiss your bride.’ Tapos papayagan ko siya mag-concert para mag-towel lang, na makikita ng gaano karaming lalaki sa buong Pilipinas? Tapos pasasayawin ko na naka-see through, labas ang cleavage, labas ang legs? I want to protect my wife. Ako lang titingin, kasi ako ang husband,” saad ni Alvin.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa post ni Sunshine.
"lowkey parinig kay alvin be like HAHAHAHAHAHAHA pretty mo so much, mama ss!"
"anito din naisip ko..nauna q nabasa ung post about sa sinabi nung A..haha Dito aq kay Gov..bery suportib..hindi ung iniisip at mararamdaman ng ibang tao ang inuuna kundi ung happiness ni Sunshine.. Nakakakilig kaya ung sinabi niyang happy xa na makita ulit ung sparkle sa mata ni shine ng magawa ulit magsayaw sa stage.."
"Caps lock yang SUPPORT AT GROW! Yeaaaaah"
"Salute!! Ganyan dapat, hindi porket asawa ka ay pipigilan o hahadlangan nila ang mga bagay na magpapasaya sa atin. Di Gaya nung Isa, nakakapikon!"
"Gusto ko yung nka caps lock yung GROW."
"Buti pato si VG Alex.. Hindi katulad nung.. aaahw! Chaaar!!"
Hindi naman sumagot si Sunshine sa mga komento ng netizen.
Kaugnay na Balita: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality