February 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3
Photo courtesy: 11th Infantry "Alakdan" Division, Philippine Army (FB)

Nagbigay-pugay ang Philippine Army kay SSg. Windel C. Sabuyas Jr., para sa kaniyang kabayanihan sa kasagsagan ng trahedyang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 kamakailan. 

Inalala ang serbisyo ni Sabuyas sa pamamagitan ng isang seremonya noong Linggo, Pebrero 15, kung saan pormal na ipinresenta Maj. Gen. Leonardo I. Peña, ang komandante ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion, ang watawat ng Pilipinas at posthumous bronze cross medal sa nabiyudang si Jenelyn C. Sabuyas. 

Ayon sa pahayag ng Philippine Army, ang mga labi ni Sabuyas ay inilagak sa Camp Arturo T. Enrile, Malagutay, Zamboanga City, para sa vigil honors ng pamilya, mga kasundaluhan, at publiko.

Base sa mga nakalap ng Philippine Army na testimonya mula  sa ilang survivors ng MV Trisha Kerstin 3, namataan nilang isa si Sabuyas sa mga tumutulong sa kasagsagan ng paglubog, kung saan naipakita niya rito ang katapangan, disiplina, at pagiging makatao sa ngalan ng kaniyang serbisyo. 

Probinsya

₱200k, pabuya sa makakakita sa nawalang biyuda ng isang chairman sa Pampanga

Sa kaugnay na ulat, nasa higit 50 na ang mga katawan na narekober mula lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan, noong Enero 26. 

Bilang pagpapanagot sa operator nito, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang mga nakaambang kasong administratibo laban sa Aleso Shipping Lines, Inc.

Kabilang dito ang pagsibak sa anim na Philippine Coast Guard (PCG) personnel at walong MARINA personnel. 

MAKI-BALITA: Operator ng MV Trisha Kerstin 3, sasampahan ng mga kasong administratibo; 14 personnel, sinibak!

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3

Sean Antonio/BALITA