Agad na nagbigay ng reaksiyon ang tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza matapos siyang ireklamo ng cyber libel ni Kapuso actress-beauty queen Michelle Marquez Dee kasama ang legal counsel, nitong Lunes, Pebrero 16 sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa panayam sa kaniya ng media, hindi idinetalye ni Michelle ang mga espesipikong dahilan at pinag-ugatan ng reklamo niya laban kay Xian, subalit naniniwala aniya siyang lalabas din ang buong katotohanan, at hindi dapat palagpasin ang ginagawa ng nabanggit na social media personality, gaya ng umano'y pagpapakalat ng fake news sa social media.
"The point here is hindi dapat i-normalize ang pagsasalita nang gano'n towards sa mga babae, I think we should respect women's rights in privacy," pahayag ni Michelle.
Maaaring nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Michelle laban kay Xian dahil sa mga pinakawalang blind items at posts ng social media influencer laban kay Michelle, nang pumutok ang isyu tungkol sa driver ni Rhian Ramos, sa bintang na pagkuha sa isang angpao na may lamang sensitibong larawan.
Ito umano ang naging dahilan kung bakit inireklamo ng driver sina Michelle, dating among si Rhian Ramos, at maging ang beauty queen na si Samantha Panlilio, ng kasong torture at serious illegal detention.
Bagay na tinapatan naman ni Michelle at kinasuhan ng qualified theft ang nabanggit na driver.
May mga pinakawalang blind items ang social media personality, na may kinalaman sa umano'y sexual activity.
Kaugnay na Balita: Sinampolan! Michelle Dee, inireklamo si Xian Gaza ng cyber libel sa NBI
Samantala, mababasa naman sa post ni Xian, "BREAKING NEWS: Matapos ireklamo sa kasong illegal detention at pambubugbog, beauty queen na si Michelle Dee, nagsampa ng cyber libel laban kay Xian Gaza! Matapos nito sabihing nakipag-3some siya with Sam and Rhian!"
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza/FB
Sa isa pang Facebook post, pinaratangan ni Xian si Michelle na ang reklamong ito ay tila pang-divert sa isyu ng aktres sa inirereklamo at nagreklamong driver laban sa kaniya.
"Good move. Very strategic. Wais. Para ma-divert kay Xian Gaza Libel yung buong issue at malayo sa driver na binugbog nila at dinetain illegally."
"The news headlines will become Michelle Dee VS Xian Gaza tapos siya na ngayon yung biktima na lumalaban. Because let's be real, the threesome tsismis did not hurt her career at all. Ilang taon ng maingay yung issue na yan."
"Nakatulong pa nga sa kanya actually. The truth is, nasira yung pangalan niya ng dahil kay Kuya Driver so kailangan nila ako ngayong kasuhan for damage control."
"At the same time, yung mga journalists, news agencies, and content creators na magpo-post sa kanya in the future ay mangingilag na. That's the clear message for everyone. To save her name and career. I fully understand the bigger picture. In Tagalog, nauunawaan ko si Michelle Dee. Happy to help. May God bless her," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza/FB
Dagdag pa ni Xian, "Yung mga tsismis sa buhay ng mga celebrities eh normal at madaling lusutan. Nakakatulong pa nga yan actually sa career nila. Ang mahirap eh yung ma-news headline kang nambugbog ng isang ordinaryong tao. Back out lahat ng projects niyan sayo. This too shall pass. Praying for Michelle. Sana maisalba pa niya."
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza/FB
Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Michelle hinggil sa mga bagong tirada ni Xian laban sa kaniya.