February 16, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pagmamahal ng jowa ni Maymay Entrata, 'di pang-bare minimum

Pagmamahal ng jowa ni Maymay Entrata, 'di pang-bare minimum
Photo Courtesy: Maymay Entrata (IG)

Nagbigay ng pahabol na mensahe si Kapamilya singer-actress Maymay Entrata sa boyfriend niyang Filipino-American commercial model na si Joaquin Enriquez para sa nakalipas na Valentine’s Day.

Sa latest Instagram post ni Maymay nitong Lunes, Pebrero 16, sinabi niyang wala umanong makakaunawa kung gaano niya pinapahalagahan ang pagsisikap ni Joaquin para iparamdam nito sa kaniya kung gaano siya kaespesyal.

“Thank you so much for making me realize na okay lang pala not to settle for the bare minimum..na deserve ko ang effort, consistency, at pagmamahal na hindi pilit at hindi kulang,” saad ni Maymay.

Dagdag pa niya, “You make ‘love’ feel safe, intentional, and genuine. I’m so grateful for you mahal for your patience, gentleness, kindness, and all the little things you do na higit pa sa inaakala mo.”

Relasyon at Hiwalayan

Shaira, Kristel parehong virgin bago ikasal: 'Pinakamagandang regalo sa asawa ay purity!'

Umaasa si Maymay na patuloy silang gagabayan ng Diyos habang lumalago ang pananalig nila ni Joaquin sa kanilang relasyon. 

“Happy Valentine's Day, My person, Joaquin,” pahabol pa niya.

Matatandaang Oktubre 2025 nang maisapubliko ang relasyon nina Maymay at Joaquin. Sa isang eksklusibong panayam noong Enero, aminado ang Kapamilya singer-actress na naninibago siya sa kasalukuyang relasyon.

Maki-Balita: Maymay Entrata, naninibago sa bagong relasyon