May 22, 2026

Home BALITA National

'Be the bearers of nation's pride:' VP Sara, binati pagtatapos ng 'Talang Dangal' ng PMA!

'Be the bearers of nation's pride:' VP Sara, binati pagtatapos ng 'Talang Dangal' ng PMA!
Photo courtesy: OVP (FB), RTVM

Malugod na bumati si Vice President Sara Duterte para sa pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) “Talang Dangal” Class of 2026 nitong Sabado,Mayo 16, 2026. 

Sa inupload na video statement ni VP Sara sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Mayo 16, 2026, sinabi niyang nakikiisa siya sa buong komunidad ng PMA at pamilya ng mga nagsipagtapos sa Class of 2026 ng Talang Dangal.

“Today, I join your families and the entire PMA community in celebrating this milestone. Your graduation is the culmination of a rigorous journey—one defined by discipline, sacrifice, and an unwavering sense of duty,” pagsisimula niya. 

Screenshot sa FB post ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “As you step out of Fort Del Pilar, your lifelong commitment to the nation begins. Put to good use the training and values this institution has instilled in you.” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ani VP Sara, isulong daw sana ng Talang Dangal ang dignidad at karangalan ng bansang Pilipinas sa pagpasok nila sa kanilang serbisyo. 

Hamon ng Bise Presidente, panghawakan daw sana sa lahat ng pagkakataon ng Talang Dangal ang tapang para manindigan at malabanan ang anomang magiging banta sa soberanya at kalayaan ng bansa. 

“I urge you to personify integrity and courage at all times. Stand firm against all threats to our sovereignty and our liberties…” aniya. 

“May your service be a testament to your determination to protect our country and uphold the welfare of every Filipino,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nagawa ring dumalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa seremonya na pagtatapos ng PMA “Talang Dangal” Class of 2026 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City.