February 16, 2026

Home BALITA National

Pagdawit ng ICC kina Dela Rosa at Go, masakit na proseso para sa Senado!—Sen. Risa

Pagdawit ng ICC kina Dela Rosa at Go, masakit na proseso para sa Senado!—Sen. Risa
Photo courtesy: File Photo

Nagbahagi ng komento sa publiko si Sen. Risa Hontivero na tila masakit daw na proseso para sa Senado ang pagkakadawit ng pangalan ng International Criminal Court nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go bilang “co-perpetrator” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC

Ayon kay Hontiveros, sa naging panayam sa kaniya ng media nitong Lunes, Pebrero 16, 2026, sinabi niyang “indictment” pa lang naman ng ICC ang nasabing alegasyon kina Dela Rosa at Go at wala pa raw na lumalabas na kahit anong dokumento para sa mga nabanggit. 

“I believe indictment pa lang ‘yan,” pagsisimula niya, “Wala pa namang inilalabas na mga dokumento. That would set certain processes in motion.” 

National

'Mayor Magalong, nagsabi mismong may mali sa pagpapatupad ng EJK!'—Palasyo

Ani Hontiveros, mahirap at masakit raw na proseso para sa Senado ang pagkadawit ng mga nasabing senador kagaya ng iba pang mga isyu na iniimbestigahan nila. 

“Like other issues na inimbestiga, for example ng Senate, na dito lamang sa loob ng Pilipinas. Ito na may international scope ay mahirap [or] even masakit na proseso para sa Senate,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Pero kailangan naming harapin as an institution.”

Matapos nito, nilinaw naman ni Hontiveros na titindig din daw siya sa sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may tradisyon daw sa Senado na walang mahuhuling miyembro nila, partikular ng ICC, habang nagaganap ang kanilang sesyon. 

“I would stand by what sinabi ni Senate President Tito Sotto na may tradition when the Senate is in session, walang miyembro ang inaaresto sa loob,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang mariin nang umalma si Go kaugnay rito at sinabi niyang “unfounded,” “one-sided,” at “unfair” ang nasabing alegasyon laban sa kaniya ng ICC.

KAUGNAY NA BALITA: 'One-sided, unfair!' Sen. Go, umalma sa alegasyong 'co-perpetrator' ni FPRRD

Paglilinaw ni Go, wala raw siyang kinalaman o naging awtoridad sa nasabing alegasyon laban sa kaniya.

Ani Go, hindi raw niya hahayaang maabala siya ng umano’y walang basehang alegasyon para gampanan siya ang kaniyang tungkulin bilang Senador sa Pilipinas.

Samantala, habang isinulat ito, wala pa rin namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si Dela Rosa kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Kabalastugang akusasyon!' Jimmy Bondoc, nasaktan sa pagdawit ng ICC kay Sen. Bong Go

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin sa pagdawit ng ICC kina Sen. Bato, Go: 'Hindi po ba depressing yun?'

Mc Vincent Mirabuna/Balita