February 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga Labi ni Cadet Kyle Punsalang, natagpuan na; nagpakabayani sa huling sandali!

Mga Labi ni Cadet Kyle Punsalang, natagpuan na; nagpakabayani sa huling sandali!
Photo courtesy: File Photo, Contributed Photo

Ikinuwento ng taong naisalba at natulungan ng kadeteng si Kyle Punsalang ang naging kabayanihan nito hanggang sa huling sandali nang lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 noon sa Baluk-Baluk Island, Basilan noong Enero 26, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Cadet na kasama sa lumubog na RORO sa Basilan, nakontak pa pamilya!

Ayon ito sa naging kuwento ng survivor na si Joshua Abulag sa social media kung saan sinabi niyang nabigyan daw siya at iba pang matatanda ng life jacket ni Punsalang nang lumubog noon ang nasabing sasakyang-pandagat. 

“Eto yung crew na madaming naisalba, nakabigay pa siya ng life jacket sakin at sa mga matatanda. Kitang kita ko kabayanihan neto. I salute you bro for being so brave on that situation!” ani Abulag. 

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Photo courtesy: Contributed Photo

Pangako ni Abulag sa pumanaw na si Punsalang, habambuhay raw niyang iingatan ang kaniyang buhay para sa naging pagliligtas sa kaniya ng kadete. 

“[H]indi ko man kayang ibalik ang ginawa mo para sa akin, pero pangako ko na habang buhay kong iingatan ang buhay na iniligtas mo,”  

“Ikaw ang dahilan kung bakit may bukas pa ako kyle. [M]ay your soul rest in peace. [G]uide your family always from above,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, ayon sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 16, natagpuan umano ang mga labi ni Punsalang ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Deck B Economy ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3. 

Matatandaang nag-viral noon sa social media post ng kapatid ni Kyle na si JP Punsalang kaugnay sa huling mensaheng naipadala pa niya sa kaniyang pamilya nang lumubog ang nasabing sasakyang pandagat noon ding Enero 26, 2026. 

“[M]e tagilid among barko,” “tabangggg,” mababasa sa pinadalang mensahe ng cadet.

Kaugnay nito, umakyat naman na sa 58 ang bilang ng mga nasawi mula sa trahedyang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3, matapos muling makapagrekober ng isang bangkay ang PCG rito nitong Pebrero 16, 2026. 

Tinatayang 21 pa ang mga nawawala at patuloy na hinahanap habang 293 ang naitalang survivors mula sa trahedya.

KAUGNAY NA BALITA: Kapitan ng MV Trisha Kerstin 3, kasama pa sa mga nawawala!

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3

KAUGNAY NA BALITA: Operator ng MV Trisha Kerstin 3, sasampahan ng mga kasong administratibo; 14 personnel, sinibak!

Mc Vincent Mirabuna/Balita