February 16, 2026

Home BALITA National

Manila LGU, naglabas ng ₱18M; mga retiradong guro, bibigyan ng allowance

Manila LGU, naglabas ng ₱18M; mga retiradong guro, bibigyan ng allowance
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB), MB FILE PHOTO

Masayang ibinalita ni Manila Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko ang paglalabas nila ng halagang ₱18 milyon bilang allowance para sa humigit-kumulang 3,000 na mga retiradong guro sa Manila. 

Ayon sa naging pahayag ni Moreno sa isinagawa nilang flag raising ceremony nitong Lunes, Pebrero 16, sinabi niyang makakatanggap daw ang lahat ng mga retiradong guro na may edad 70 pataas ng allowance na nagkakahalagang ₱6,000 bawat isa kaugnay sa pension nilang ₱500 buwan-buwan mula noong Enero hanggang Disyembre 2025, alinsunod sa Ordinance No. 7977 at Old Age Sustenance Allowance (OASA) ng Manila Retired Teachers Association.

“Lahat ng teacher na umabot ng 70 pataas ay tatanggap ng pension sa lungsod ng Maynila,” pagsisimula niya. 

Pagkukuwento ni Moreno, “Sa awa ng Diyos at sa ating mga kawani ng pamahalaan at mga department, sa pagbubuti nila, unti-unti ho tayo at patuloy tayong nililingon ang mga nakaraang obligasyon. Bagama’t kahit hindi ko pa ito panahon, but what matters most is that we will recognize previous obligations.” 

National

Mongolian, tiklo matapos ang umano'y ‘pag-eespiya’

Ani Moreno, kinausap umano niya noong Biyernes, Pebrero 13, 2026 ang kanilang City Treasurer na si Atty. Paul Vega na iparamdam ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa mga retiradong guro. 

“Last Friday, sabi ko kay Paul noong nag-uusap kami, sabi ko, ‘Araw ng mga Puso, iparamdam natin ang pagmamahal at utang na loob sa ating mga guro. Katulad ko ay one of many product public education system,” pagbabahagi niya. 

Bida ng alkalde, nakapagmandato na raw siya sa kanilang City Treasurer’s Office na maglabas na halagang ₱18 milyon para sa kanilang magigiting na guro at naging tax payers. 

“Kaya January to December 2025 na mahuhulog. I already advised Atty. Paul Vega, our City Treasurer, to release  ₱18 million for our more or less 3,000 retired teachers of Manila,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Moreno, mararamdaman daw ng mga retired teachers ang pagbabahagi ng nasabing allowance mula nitong Lunes, Pebrero 16 hanggang Pebrero 20, 2026. 

“Good things come to those who wait… ‘Yan po ay mararamdaman ninyo ngayong Pebrero 16 hanggang 20,” saad ni Moreno. 

MAKI-BALITA: Mayor Isko Moreno, paiimbestigahan 2 gwardiyang nambugbog sa Intramuros

Mc Vincent Mirabuna/Balita