February 16, 2026

Home BALITA Metro

Manila LGU, handa na para sa malinis at mapayapang selebrasyon ng Chinese New Year

Manila LGU, handa na para sa malinis at mapayapang selebrasyon ng Chinese New Year
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB screenshot), Arnold Quizol (MB)

Handa na ang iba’t ibang ahensya sa lungsod ng Maynila para sa malinis at mapayapang selebrasyon ng Chinese New Year sa darating na Martes, Pebrero 17. 

Sa ilalim ng direktiba ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na umaga pa lamang, magpadala na ng mga manggagawa mula sa Department of Public Services (DPS), na nakaatas sa waste management at koleksyon nito; ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) bilang antabay sa mga posibleng sakuna.

Kabilang na rin dito ang mga ospital sa lungsod na maaaring maging takbuhan ng mga dadalo sa selebrasyon, kapag may emergency.

“The least thing we can do for our Filipino-Chinese community is to be prepared,” saad ni Domagoso. 

Metro

Katawan ng chop-chop victim, natagpuan sa loob ng drum sa Binondo!

Pagkatapos naman ng malawakang selebrasyon ng Chinese New Year, iniutos ng alkalde sa mga awtoridad ang agarang paglilinis ng mga kalsada sa iba’t ibang parte ng lungsod, hindi lamang sa Chinatown, ngunit pati na rin sa ilan pang karatig-lugar tulad ng Paco, Abad Santos, at Masangkay. 

Sa kaugnay na ulat, higit 7,000 kapulisan ang ipapadala ng Philippine National Police (PNP) sa selebrasyon ng Chinese New Year. 

Kasama rin sa pagpapaigting ng seguridad rito ay ang paglalagay ng police assistance desk malapit sa mga pangunahing templo at commercial centers. 

MAKI-BALITA: Higit 7k pulis, ide-deploy para sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2026

Sean Antonio/BALITA