February 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Mag-asawang senior citizen, parehong nasawi sa sagasa ng truck noong Valentine's day!

Mag-asawang senior citizen, parehong nasawi sa sagasa ng truck noong Valentine's day!
Phoot courtesy: Contributed photo

Nauwi sa trahedya ang family date ng mag-asawang senior citizen sa Cebu noong Valentine’s day, Pebrero 14, 2026, matapos silang masagasaan ng truck.

Ayon sa mga ulat, kasama ng mga biktimang sina Salvador Geraldizo, Jr. (67 taong gulang) ar Cecilia Geraldizo (68-anyos) ang kanilang mga anak para gunitain ang Araw ng mga Puso ngunit bigo na silang nakabalik pa sa restaurant kung saan naghihintay ang kanilang mag-anak.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumabas ang mag-asawang biktima para sana maglakad-lakad sa kalapit na pasyalan malapit sa kanilang kinainan. 

Subalit, patawid na raw sana sila sa kalsada nang mabundol at magulungan sila ng isang truck. Ayon sa mga awtoridad, sa lakas ng impact ay bahagya pang tumilapon ang mag-asawa.

Probinsya

Bangkay ng inabandonang sanggol, nadiskubre ng dalawang asong gala

Ayon pa sa mga ulat, nagtaka ang pamilya ng mga biktima dahil natagalan silang bumalik. Nang mapansin nila ang pagbigat ng trapiko at mga pinagkakaguluhan ng mga tao, doon na raw tumambad sa kanila ang sinapit ng kanilang mga magulang. 

Dead on the spot si Salvador dahil sa tinamo niyang pinsala mula sa aksidente habang nagawa pang maisugod sa ospital si Cecilia na nagkritikal ang kondisyon at matapos ang ilang oras ay pumanaw din ito.

Samantala, agad na inaresto ng mga awtoridad ang driver ng truck kung saan isinailalim siya sa drug at liquor test ngunit kapuwa siya nagnegatibo rito.

Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng pulisya habang inaantay pa ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso ng pamilya ng mga biktima. Nakaamba siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting double homicide.