Umaalingasaw na sa loob ng malaking drum ng tubig ang chop-chop na bangkay ng isang lalaking natagpuan sa Binondo, Maynila.
Ayon sa mga ulat, nadiskubre ang karumal-dumal na bangkay ng biktima sa Delpan Sports Complex sa Mel Lopez Boulevard matapos buksan ng ilang residente ang loob ng nasabing drum.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ilang residente ang nakapansin sa pagtigil ng isang L300 na sasakyan sa nasabing Sports Complex.
Ilang tao raw ang bumaba mula rito at nagtawag ng ilang residente. Ayon sa ilang saksi, inutusan sila ng mga sakay ng L300 na itapon ang drum na kanilang sakay, kapalit umano ang ₱300.
Nang siyasatin ng ilang residente ang laman ng drum, doon na tumambad sa kanila ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at matugis ang nasa likod ng nasabing krimen.