February 16, 2026

Home BALITA National

'Kabalastugang akusasyon!' Jimmy Bondoc, nasaktan sa pagdawit ng ICC kay Sen. Bong Go

'Kabalastugang akusasyon!' Jimmy Bondoc, nasaktan sa pagdawit ng ICC kay Sen. Bong Go
Photo courtesy: Atty. Jimmy Bondoc (FB), File Photo

Hindi napigilang magbahagi ng kaniyang reaksyon sa publiko ang singer-songwriter at abogadong si Jimmy Bondoc kaugnay sa pagkakadawit ng pangalan ni Sen. Bong Go bilang “co-perpetrator” umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noon sa war on drugs. 

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC

Ayon sa naging pahayag ni Bondoc sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Pebrero 15, sinabi niyang masakit daw sa kaniya na makita ang umano’y akusasyon sa kaibigang si Go. 

“Napasakit po para sa akin bilang isang malapit na kaibigan ni Sen Bong Go na makita ang mga ganitong akusasyon,” pagsisimula niya. 

National

PBBM, 'di pa naiisip na muling isali ang Pilipinas sa ICC

Dagdag pa niya, “[S]amantalang alam naming lahat na walang ibang ginawa at ginagawa si SBG sa buhay niya kundi ang magbigay ng medical assistance, magpunta sa mga nasunugan, magbigay suporta sa mga lokal na pamahalaan, at maging tunay na kaibigan.” 

Ani Bondoc, tila raw nailibing na ng tsismis ang simpleng katotohanang normal at tumutulong sa taumbayan si Go dahil nabulag na umano ang mga ito ng media. 

“Ang hirap nito ipagtanggol sa mga nabulag na ng PR at media. Para bagang nailibing na lang ng tsismis ang isang napaka simpleng katotohanan - na isang normal na tao lang si SBG na panay tulong lang ang inaatupag sa buhay. Ngunit dahil sa politika, kung ano pa ang mabuti ang siyang pinagmumukhang masama,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Bondoc, tila nalulungkot daw siya dahil kabalastugang akusasyon umano ang ibinato kay Go at pinaniniwalaan ito ng mga tao. 

“Napaka lungkot talaga, lalo na kung nakasalamuha niyo na siya. Kabalastugang akusasyon, ngunit pinaniniwalaan ng ibang tao dahil lamang sa baluktot na politika,” saad niya. 

“The Lord is close to the brokenhearted, and saves those who are crushed in spirit,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang mariin nang umalma si Go kaugnay rito at sinabi niyang “unfounded,” “one-sided,” at “unfair” ang nasabing alegasyon laban sa kaniya ng ICC.

KAUGNAY NA BALITA: 'One-sided, unfair!' Sen. Go, umalma sa alegasyong 'co-perpetrator' ni FPRRD

Paglilinaw ni Go, wala raw siyang kinalaman o naging awtoridad sa nasabing alegasyon laban sa kaniya.

Ani Go, hindi raw niya hahayaang maabala siya ng umano’y walang basehang alegasyon para gampanan siya ang kaniyang tungkulin bilang Senador sa Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin sa pagdawit ng ICC kina Sen. Bato, Go: 'Hindi po ba depressing yun?'

KAUGNAY NA BALITA: 'Panahon na ng pananagot!' De Lima, nag-react sa pagbanggit ng ICC kina Dela Rosa, Go, atbp

Mc Vincent Mirabuna/Balita