February 16, 2026

Home BALITA National

'Di niya minamaliit kabataan!' Greco Belgica, dinepensahan si Sen. Robin

'Di niya minamaliit kabataan!' Greco Belgica, dinepensahan si Sen. Robin
Photo courtesy: Greco Belgica (FB), File Photo

Pinagtanggol ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica si Sen. Robin Padilla na hindi raw nito minamaliit ang kabataan at hindi lamang daw ito naunawaan ng publiko. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’

Ayon sa naging pahayag ni Belgica sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 16, sinabi niyang hindi raw kahinaan ang pag-aalala ng isang ama kagaya ni Padilla at na-misunderstood lang daw ito ng publiko dahil sa intriga ng mga mamamahayag. 

“Hindi kahinaan ang pag-aalala ng isang ama,” pagsisimula niya. 

National

Mongolian, tiklo matapos ang umano'y ‘pag-eespiya’

Dagdag pa niya, “Robin is easily misunderstood. Kadalasan dahil sa intriga at angulo ng mga reporters sa sinasabi nya para may scoop na naman sila.” 

Giit ni Belgica, nakikita raw niya ang puso ni Padilla na hindi raw nito minamaliit ang kabataan at ang tunay umano nitong ibig sabihin sa salitang “weakness” ay tumutungkol sa kawalan ng tamang pagprotekta ng pamahalaan sa kasalukuyang henerasyon. 

“But I see the heart of what Senator Robin Padilla said. Hindi niya minamaliit ang kabataan; he is sounding the alarm. Ang tinatawag nating 'weakness' ay ang kawalan ng tamang 'shield' ng ating gobyerno para sa kanila,” diin niya. 

Ani Belgica, napoprotektahan daw ng pamahalaan ang henerasyon nila noon ni Padilla kahit sa “streets” o lansangan sila lumaki, hindi umano katulad ng paglaki ng kabataan ngayon na bulnerable sa mga “predators” at adiksyon sa social media. 

“My generation and Senator Robin’s generation grew up in the streets, protected by community. Today’s youth are growing up in the 'digital streets'—vulnerable to predators and digital addiction,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Belgica, gusto lang daw patatagin ni Padilla ang kabataan sa pamamagitan ng pagsusulong ng batas na Children's Safety in Social Media Act. 

“Ang gusto ni Robin ay patatagin ang kabataan sa pamamagitan ng batas, gaya ng Children's Safety in Social Media Act. It’s not that they are 'weak,' it’s that the system has left them 'defenseless,’” diin niya. 

“Let us support the Senator in building a stronger foundation for the hope of our fatherland,” pagtatapos niya. 

Dahil dito, nagawa namang magpasalamat ni Padilla sa pamamagitan ng pagbabahagi niya sa post ni Belgica sa kaniyang news feed nito ring Lunes, Pebrero 16, 2026.

“Maraming salamat, utol,” tugon ni Padilla. 

KAUGNAY NA BALITA: Psychological Association of the PH, nabahala sa pahayag ni Sen. Robin sa depresyon

KAUGNAY NA BALITA: 'Mapanganib ang ganitong pananaw!' Rep. Sarah, kinondena naging tirada ni Sen. Robin

Mc Vincent Mirabuna/Balita