Nagbigay ng hanash ang aktor na si Boom Labrusca kaugnay sa kinasasangkutang isyu ng mag-asawang sina former SexBomb Girls member Izzy Trazona at Alvin Aragon.
Sa latest Facebook post ni Boom nitong Lunes, Pebrero 16, sinabi niyang nagtataka umano siya kung bakit apektado ang ibang tao sa isyu ng mag-asawa.
“Buhay naman nila yan ... bubong nila yun .. I'm just posting why do people get affected on things like this na di ka naman dapat maapektuhan?” saad ni Boom.
Dagdag pa niya, “Kung walang kuwenta, eh bakit ka pa papaapekto to begin with? Is it a waste of time, ’di ba’t ganun ’yon? Papansinin mo pa ba ang mga bagay na di naman makakatulong sa'yo? Or ambag sa buhay mo?”
Matatandaang naging kontrobersiyal si Alvin kamakailan matapos niyang sagutin ang ilang tanong sa kaniya sa isang panayam ng radyo-pahayagan patungkol sa ilang mga isyu.
Una na rito ang pagpapaliwanag niya kung bakit hindi kasama sa pawang matatagumpay na reunion concerts ng iconic girl group ang misis niya.
Bukod pa rito, nagbigay rin siya ng pananaw tungkol sa pagiging transwoman ng panganay na anak ni Izzy na si Andrei "Sofia" Trazona.
Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality