February 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng inabandonang sanggol, nadiskubre ng dalawang asong gala

Bangkay ng inabandonang sanggol, nadiskubre ng dalawang asong gala

Kinalkal mula sa basurahan at muntik nang kainin ng mga asong gala ang bangkay ng isang sanggol sa Libon, Albay.

Ayon sa mga ulat, isang residente ang nakapansin kung bakit nagkakagulo ang dalawang aso malapit sa basurahan. Nang lapitan niya, tumambad sa kaniya ang bangkay ng naturang sanggol.

Isang sa nasabing mga aso ang nagtangka pa raw na kainin ang sanggol ngunit nagawa itong itaboy ng isang residente.

Napag-alamang babae ang kasarian ng sanggol na tinatayang nasa anim na buwang gulang pa lang.

Probinsya

Mag-asawang senior citizen, parehong nasawi sa sagasa ng truck noong Valentine's day!

Bunsod nito, mabilis na nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga residente.

Matapos ang pagresponde, pinabendisyunan ng mga awtoridad sa pari ang sanggol at inilibing ito sa isang pampublikong sementeryo.

Samantala, kinondena naman ni PMAJ ROBERTO O FLORES JR, Chief of Police ng Libon MPS ang sinapit ng sanggol at nag-iwan ng paalala.

“Bagama’t labis kaming nalulungkot sa insidenteng ito, tiniyak namin na bibigyan namin ng nararapat na respeto at pag-aalaga ang sanggol. Sa ating pananampalataya, mahalaga na bigyan ng dignidad ang bawat buhay, kaya naman, sa tulong ng ating mga kaparian, pinabindisyunan natin ang sanggol,” ani Flores.