Ibinahagi ng mister ni SexBomb Girls member Sunshine Garcia na si Bulacan Vice Governor Alex Castro ang isang ulat kung saan makikitang sumasayaw silang mga asawa ng ilang miyembro ng nabanggit na iconic at phenomenal girl group, sa isang victory party matapos ang matagumpay na reunion concerts.
Ang pinagbatayan ng ulat ng GMA Public Affairs ay mula sa video ni SexBomb Aira Bermudez, kung saan, makikitang sumasayaw ang ilang mga asawa ng SexBomb gaya nina Joshua Zamora na asawa ni Jopay Paguia at si VG Alex.
“Grabe ang support ng husband ng mga Sexbomb! Pati sa sayawan ‘di nagpahuli!” mababasa sa caption ni Aira.
Kaugnay na Balita: Aira Bermudez, pinost video ng supportive husbands ng SexBomb; netizens, may patutsada!
Shinare naman ni Alex ang nabanggit na ulat sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 16.
"HULICAM! May nag video pala" aniya.
Sa comment section naman, inurirat ng mga netizen ang mister ni Sunshine kung anong reaksiyon at masasabi niya sa naging mga pahayag ni Alvin Aragon patungkol sa kaniya, nang mabanggit siya nito at misis sa isang panayam.
“Sinasabi nila, ‘Buti pa ‘yong asawa ni Sunshine, Vice Governor, pinayagan sila mag-concert.’ Dapat nga hindi eh. Dapat nga, ‘yong asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki,” aniya.
Dito ay inungkat pa ni Alvin ang naging pangako niya noon kay Izzy, noong mag-jowa pa lang sila, na hindi niya ito hahalikan hangga't hindi pa sila kasal.
“Niligawan ko nga asawa ko simula 2011 hanggang bago kami ikasal, naging fiance kami. Sabi ko, ‘Hindi ko siya hahalikan, eh, until the pastor, you may kiss your bride.’ Tapos papayagan ko siya mag-concert para mag-towel lang, na makikita ng gaano karaming lalaki sa buong Pilipinas? Tapos pasasayawin ko na naka-see through, labas ang cleavage, labas ang legs? I want to protect my wife. Ako lang titingin, kasi ako ang husband,” saad ni Alvin.
Si Alvin Aragon ay asawa ng dating miyembro ng SexBomb na si Izzy Trazona, na hindi nakasama sa reunion concerts ng grupo, subalit sorpresang lumitaw sa rAWnd 4 concert.
Minalisya tuloy ng mga netizen ang naging appreciation post ni Sunshine para kay Alex, na sabi ng mga netizen, parang "lowkey parinig" daw kay Alvin, bagama't wala namang binanggit, tinukoy, o kinumpirma ang SexBomb member tungkol dito.
Kuagnay na Balita: SexBomb Sunshine, todo-pasalamat sa support ng mister: 'Hinahayaan mo akong mag-grow!'
Going back sa mga nangungulit na netizen, narito ang ilan sa mga mababasang komento nila:
"Bawal dito sa Alvin kasi KJ siya at baka magalit si Lord sa kanya haha"
"Sana ganyan lahat ng Asawa very supportive"
"VG ano po masasabi nyo kay alvin?"
"Magagalit na naman asawa ni Izzy nyan"
"Nagpaalam po ba kayo kay PASTOR A.???? HAHAHA"
Samantala, hindi naman sumagot ang vice governor sa mga pang-uurirat sa kaniya ng mga netizen.
Kaugnay na Balita: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality