February 16, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga Katoliko lang ba ang gumugunita sa 'Ash Wednesday?'

ALAMIN: Mga Katoliko lang ba ang gumugunita sa 'Ash Wednesday?'
Photo courtesy: Unsplash


Hindi maikakailang sa tuwing napag-uusapan ang panahon ng Kuwaresma, Katoliko kaagad ang relihiyong pumapasok sa isipan ng bawat isa.

Ngayong papalapit na ang paggunita sa Ash Wednesday, malapit na rin ang hudyat ng panahon ng Kuwaresma, na tumatagal sa humigit-kumulang 40 na araw.

Isa pa, napag-uusapan na rin ngayon ang mga tradisyong nakapaloob dito tulad ng pag-aayuno, pagsasakripisyo, at pagdarasal—bilang tanda ng pag-alala kay Hesukristo.

Ngunit mga Katoliko nga lang ba ang gumugunita sa Kuwaresma, partikular na ang “Ash Wednesday?”

Ayon sa akda ng Christianity website, karaniwang naiiugnay ang Ash Wednesday sa ilang “Christian dominations” tulad ng mga Katoliko at Protestante.

Base pa sa parehong iskolar, ilan din sa mga gumugunita nito ay ang Western Christians, Roman Catholics, at maging Anglicanism.

Sa iba namang artikulo, mababasang ginugunita rin ng ilang Episcopal believers at Lutheran observants ang Ash Wednesday.

Paglilinaw ng iskolar na si Marko Marina ng Bart & Ehrman website, iba-iba lamang ang mga nabanggit na denominasyon, ngunit ang lahat ay nakapaloob sa ilalim ng Kristiyanismo.

Sa usapin ng tradisyon ng bawat dominasyon tuwing Ash Wednesday, halos pare-pareho lamang ang paraan kung paano nila ito gunitain—pagbabasa ng “scripture,” o kaya naman ay ang paggamit ng “ashes” bilang parte ng selebrasyon.

Sa kaugnay na ulat, natampok din sa Balita ang ilang mga tradisyunal na paniniwala tuwing sasapit ang Ash Wednesday.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga tradisyunal na paniniwala sa paggunita ng ‘Ash Wednesday’-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA