“Grabe ang support ng husband ng mga Sexbomb!”
Ito ang caption ni SexBomb member Aira Bermudez-Inovera sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 16.
Makikita rito ang kantsawan habang humahataw sa tugtog na “Macarena” ang mga asawa ng ilan sa SexBomb Girls.
Ilan dito ay sina Joshua Zamora na asawa ni Jopay Paguia; at Bulacan Vice Governor Alex Castro, na asawa ni Sunshine Garcia.
Bagama’t masayang showdown ang ipinakita ni Aira sa kaniyang post, hindi pinalagpas ng netizens magbato ng direktang patutsada kay Alvin Aragon na asawa ni SexBomb Izzy Trazona.
“Ganyan dpat ka SUPPORTIVE!!! Alvin left the group.”
“SLAY UNG CAPTION. Love iiiittttt hahaha.”
“Eto talaga ‘yun!!! Doon tayo sa mga supportive husbands! Wag sa nagne-name drop.”
“Bakit di niyo sinabihan si [A]lvin? Ay wag na lang pala.. Wahahahaha!”
Ang mga hugot ng netizens ay nagmula sa naging pahayag ni Alvin kamakailan hinggil sa hindi pagsama ng misis na si Izzy sa reunion concerts ng SexBomb.
Nadawit rin niya dito ang naging pagpayag ni Alex sa pagpapasayaw sa asawang si Sunshine sa entablado.
“Sinasabi nila, ‘Buti pa ‘yong asawa ni Sunshine, Vice Governor, pinayagan sila mag-concert.’ Dapat nga hindi eh. Dapat nga, ‘yong asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki,” ani Alvin.
Aniya pa, nais lang niya protektahan si Izzy at bilang asawa, gusto niya siya lang ang titingin rito.
Kaya naging mainit din sa netizens ang naging post ni Sunshine tungkol sa date nila ng mister na si Alex, kung saan sa caption nito ay naka-capslock ang mga salitang “support” at “grow.”
"My date last night. Nagkaroon din tayo ng quality time. Hindi mo nakakalimutan talagang maging sweet, girl na girl ako haha! And thank you lagi sa SUPPORT, hinahayaan mo akong mag GROW at gawin yung mga bagay na makakapag pasaya sa akin thank you sa pag intindi. I love you VG Alex Castro," saad ni Sunshine.
MAKI-BALITA: SexBomb Sunshine, todo-pasalamat sa support ng mister: 'Hinahayaan mo akong mag-grow!'
Isa pa sa naging hugot ng kasalukuyang bashing kay Alvin ay ang pahayag niya tungkol sa pagiging transwoman ng panganay ni Izzy na si Andrei “Sofia” Trazona.
MAKI-BALITA: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality
Sean Antonio/BALITA