February 16, 2026

Home BALITA Probinsya

₱200k, pabuya sa makakakita sa nawalang biyuda ng isang chairman sa Pampanga

₱200k, pabuya sa makakakita sa nawalang biyuda ng isang chairman sa Pampanga
Photo courtesy: Carmelo "Pogi" Lazatin, Jr. (FB), Mamac Family via GMA News (website)

Ibibigay ang ₱200,000 pabuya sa sinumang makakakita sa biyuda ng isang barangay chairman mula sa Balibago, Angeles City, Pampanga, matapos itong biglang mawala kamakailan. 

Ayon sa ulat ng Angeles City Police Office noong Sabado, Pebrero 14, kinilala ang ginang bilang si Maria Teresa “Tess" Mamac na biyuda ng pumanaw na si Tony Mamac. 

Anila, huling namataan si Tess lulan ng kaniyang sasakyan na puting Toyota Innova 2019 Model V, na may plakang CAQ 2482, noong Huwebes, Pebrero 12, bandang 8:45 PM hanggang 8:49 PM.

Sa ulat ng GMA News nitong Lunes, Pebrero 16, ipinakita ang CCTV footage mula sa bahay ng pamilya Mamac, kung saan, isang sigaw ang maririnig bandang 7:30 PM ng Pebrero 12. 

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Ganitong oras din daw huling nakita ang driver ng pamilya at nang magsawa ng inspeksyon sa bahay ng pamilya Mamac, makikita ang mga bakas ng dugo sa washing machine, pader, wheelbarrow, at gripo.

Kaya inanunsyo rin ni Pampangga 1st District Rep. Carmelo Lazatin, Jr. ang ₱200,000 pabuya sa sinumang makakakita at makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Tess. 

Bilang dagdag impormasyon, base sa post ni Lazatin, ang huling kasama ni Tess bago siya mawala ay ang kaniyang mini Yorkshire Terrier na aso. 

Sean Antonio/BALITA