Ibinahagi ni Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas ang kasalukuyang lagay ng ugnayan nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, kinumusta ng host ang relasyon ng dalawa matapos batiin ni Ai Ai si Kris.
“Okay kami, nag-usap na kami,” sagot ni Ai Ai. “Sabi nga, time heals all wounds.”
“I wish her well because she's my friendship all the way,” dugtong pa ni Ai Ai.
Matatandaang minsan na rin hiniling ni Ai Ai na mapabuti ang kalagayan ni Kris sa gitna ng krisis na pinagdaraanan nito sa kalusugan.
Ayon sa batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin, nag-ugat umano ang tampuhan ng dalawa dahil sa dating mister ni Kris na si James Yap.
Ipinagpapalagay ng ilang netizens na ang pagkabuwag ng friendship ng dalawa ang dahilan kung bakit lumundag si Ai Ai mula ABS-CBN patungong GMA Network.
Pero bago pa ang gusot na ito, iconic at solid ang samahan nila. In fact, silang dalawa ang mga orihinal na hurado ng “Pilipinas Got Talent” at nagsama pa sila sa pelikulang “Sisterakas” kung saan nandoon din si Unkabogable Star Vice Ganda.
Mak-Balita: Cristy, ibinuking kung bakit nagkalamat ang 'friendship' nina Kris at Ai-Ai