Lumikot ang imahinasyon ng mga netizen sa Facebook post ng sexy star na si Robb Guinto matapos niyang i-flex ang larawan ng ilang pirasong candy at isang can ng pineapple juice, at sa background, makikita ang isang lalaking nakaupo sa isang kama, na mahihinuhang si Yasser Mata.
Mababasa sa caption ng post, "Ngayon alam ko na kung para saan to."
"Happy Valentines Day sa lahat!" aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from Robb Guinto Vlogs/FB
Naka-post ito sa verified Facebook account ni Robb na may FB name na "Robb Guinto Vlogs."
Ni-reshare naman ito ni Yasser sa kaniyang sariling Facebook account.
"Happy Valentines!" caption ni Yasser.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Sa totoo lang para saan yan??? Saang epecto yan???"
"Only legends know hahaha."
"Ay alam na hahaha..."
"At isa na namang pinay ang nakakuha ng gold!"
"Pampa kalma ng puso at pampa lamig ng isip."
Samantala, ibinida naman ni Robb ang ilan sa mga kuhang larawan nila ni Yasser habang innejoy ang Valentine's Day.
"Celebrating love, laughter, and this version of me," aniya, habang nasa isang beach sila ni Yasser sa Nasugbu, Batangas.
"Happy Valentine’s Day!" aniya pa.
ANONG MERON SA COMBO NG SNOW BEAR CANDY AT PINEAPPLE JUICE?
Sa konteksto ng sexual activity, ang kombinasyon ng Snow Bear candy at pineapple juice ay karaniwang tumutukoy sa isang paniniwala o “urban myth” na may kinalaman sa paghahanda bago ang oral sex.
Ang Snow Bear, na may menthol, ay nagbibigay ng malamig o cooling sensation sa bibig, kaya sinasabi ng ilan na nakakadagdag ito ng kakaibang pakiramdam habang nagsasagawa ng oral sex.
Samantala, ang pineapple juice naman ay matagal nang pinaniniwalaang nakatutulong upang mapabuti o “mapatamis” ang lasa ng semilya, bagama’t nag-iiba ito depende sa diet at natural na body chemistry ng isang tao at hindi ito garantisado. Kaya dapat daw, bago ang bakbakan, uminom muna ang lalaki ng pineapple juice para "manamis-manamis" ang ilalabas niyang katas sa oral sex.
May totoong cooling effect ang menthol, ngunit maaari din itong magdulot ng iritasyon lalo na sa sensitibong bahagi ng katawan.
Sa ganitong usapin, mahalaga pa rin ang consent, kalinisan, at pag-iingat upang maiwasan ang discomfort o anumang hindi kanais-nais na epekto nito sa katawan ng dalawang nagtatalik.