February 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate
Photo courtesy: Philippine National Police (FB)

Nasagip ang isang pamilya sa Cataingan, Masbate, matapos bumagsak sa rumaragsang ilog ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakailan. 

Ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Pebrero 15, kabilang sa mga nasagip na miyembro  ng pamilya ang isang taong gulang na bata. 

Saad pa ng PNP, bandang 4:53 ng hapon noong Biyernes, Pebrero 13, nang namataan ng mga tauhan ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Cataingan Municipal Police Station (MPS) ang motor na nawalan ng kontrol at nahulog sa tulay sa pagitan ng Brgy. Matubinao at Brgy. Osmeña.

Sa pangunguna ni PCMS Rolex E. Valencia, agad naisagawa ang rescue operation at ligtas ring naihatid ang pamilya sa kanilang tirahan sa Placer, Masbate. 

Probinsya

₱321M tulong, ilalabas sa mga napinsala ng bagyong Basyang

Sean Antonio/BALITA