February 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan
Photo courtesy: Palawan Council for Sustainable Development (FB)

Nasabat ng mga awtoridad ang ilang kargada sa Liminangcong Port sa Taytay, Palawan, kamakailan, matapos itong matagpuang naglalaman ng mga isda na kabilang sa “regulated and threatened species.” 

Ayon sa pahayag ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSDS) nitong Linggo, Pebrero 15, nasabat ang mga kargada mula sa isinagawang inspeksyon ng PCSDS-Wildlife Traffic Monitoring Officer (WTMO) at PCSDS DMD-North noong Biyernes, Pebrero 13. 

Kung saan, natuklasan ang iba’t ibang uri ng isdang regulated at threatened species tulad ng Ulpot, Tiger Suno, Oblong, Liglig, Loba, Mongo-mongo, Taraungan, Suno, at Bulang-Bulang. 

Ang isinagawang pagkumpiska ay alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran, at regulasyon ng Palawan bilang proteksyon at konserbasyon sa kanilang wildlife resources. 

Probinsya

3 pang katawan, narekober sa MV Trisha Kerstin 3; casualties, pumalo na sa 57!

Kaya paalala ng PCSDS sa publiko na kinakailangan ng kaukulang permit para makapagbiyahe ng anumang regulated at threatened species para maiwasan ang ilegal na kalakalan bilang proteksyon sa yamang-dagat ng Palawan. 

Sinumang may kaalaman hinggil sa mga ilegal na kalakalan ng mga ito ay hinihikayat na agad magbigay-alam sa mga awtoridad. 

Sean Antonio/BALITA