February 15, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Gaano kabisa ang condom para hindi makabuntis?

ALAMIN: Gaano kabisa ang condom para hindi makabuntis?
Photo courtesy: Unsplash, Pexels

Mapa-love month man o ordinaryong araw na pagpapakita ng lubos na pagmamahal sa asawa o ka-relasyon, ang pagpaplano ng pagtatalik ay inaabiso ng mga eksperto para maiwasan ang “unwanted pregnancy” o hindi inaasahang pagbubuntis. 

Sa panayam ng DZMM “PINASigla” segment kay Dra. Mary Joyce Mondina-Yabyabin, na eksperto sa Advanced Comprehensive Family Planning, ibinahagi niya ang iba’t ibang klase ng family planning methods. 

Kabilang dito ang condom na accessible at mabibili sa malalapit na botika. 

Aniya, ang condom ay mayroong 99% effectivity rate kapag nagamit ng maayos. 

Human-Interest

Inakalang masakit lang tiyan: 21-anyos na backpacker nanganak, 'di alam na buntis siya!

“Dapat po kasi bago ipasok ‘yong ari ni mister, naka-condom na siya. ‘Yong iba kasi kaya nagfe-fail, either nagtatalik muna sila, tas kapag malapit na silang mag-ejaculate, tsaka lang ilalagay. Dapat bago pa mag-contact, bago pa pumasok, suot na ‘yong condom,” saad ni Dra. Mondina-Yabyabin. 

Aniya pa, sa pagtanggal, mahalagang maging maingat na walang tatapon mula sa semilya na lumabas. 

Bukod sa pagiging contraceptive, proteksyon din ng nagtatalik ang condom mula sa sexually transmitted infections (STIs). 

Ayon pa sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang condom ay nagsisilbing barrier o harang mula sa mga sakit tulad ng human immunodeficiency virus (HIV), gonorrhea at chlamydia, dahil iniiwasan nito ang pagkalat ng genital fluids.

KAUGNAY NA BALITA: US-grade HIV treatment, malapit nang dumating sa Pilipinas – DOH

Sa dagdag pang pag-aaral ng Medical News Today, mahalaga ding tandaan na dapat buong ari ang nakabalot sa condom para maiwasan ang skin-to-skin contact, at siguraduhin na i-check muna ang expiry date bago ito gamitin. 

Bukod pa rito, inaabiso rin sa pag-aaral na ito na iwasang itabi ang condom sa bulsa, banyo, o kotse, nang hanggang isang buwan para hindi ito kumalap ng moisture o heat damage. 

Bagama’t hindi 100% ang garantisadong proteksyon ng condom, saad sa mga pag-aaral na ang paggamit nito ay isang hakbang ng pagiging responsableng partner. 

Sean Antonio/BALITA