February 15, 2026

Home BALITA Probinsya

₱321M tulong, ilalabas sa mga napinsala ng bagyong Basyang

₱321M tulong, ilalabas sa mga napinsala ng bagyong Basyang
Photo courtesy: Iligan City Mayor Frederick Siao (FB)

Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglabas ng ₱321 milyon sa ilang munisipalidad at lungsod sa bansa na napinsala ng bagyong Basyang at shear line kamakailan. 

Base sa inilabas na pahayag ng Malacañang noong Sabado, Pebrero 14, ang mga munisipalidad na makakatanggap ng financial aid ay ang Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Negros Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Bohol, Negros Occidental; Capiz, Aklan, Leyte, Cebu, Catanduanes, Iloilo, Camarines Sur, Camiguin, Eastern Samar, Sorsogon, Misamis Occidental, Southern Leyte, Masbate, Lanao del Norte, Antique, Davao de Oro;

Davao del Norte, Camarines Norte, Bukidnon, Siquijor, Zamboanga del Norte, Samar, Northern Samar, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Habang ang mga lungsod na makakatanggap ng financial aid ay ang Iligan, Cagayan de Oro, Bacolod, Butuan, Cebu, Zamboanga, Iloilo, at Mandaue. 

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Ang nasabing direktiba ay inatas ni PBBM kay Executive Sec. Ralph Recto, na tiniyak rin na agad ilalabas ang pondo sa mga nasabing munisipalidad at lungsod upang matugunan ang displacement ng maraming residente, mga tala ng nasawi, at pagkasira ng mga imprastruktura rito. 

“The assistance would allow these communities to recover as expeditiously as possible from the recent weather events. It’s part of the President’s initiatives to support LGUs and their constituents,” saad ni Recto alinsunod sa direktiba ni PBBM.

Sa ilalim rin ng direktibang ito, inatasan naman ni Recto ang local government units (LGUs) na magsumite ng kanilang reports sa paglalaanan ng pondo. 

Bukod sa tulong-pinansyal, iniutos din ni PBBM ang paglilinis ng river cleaning operations at flood mitigation para maiwasan na ang paglala ng pagbabaha at ambang panganib nito sa mga residente. 

Matatandaang pumasok ang bagyong Basyang sa bansa noong Pebrero 5, kung saan isa sa mga napinsalang lugar, ang Surigao del Sur, ay nagdeklara ng “State of Calamity.”

MAKI-BALITA: ‘State of Calamity,’ itinaas sa Surigao del Sur dahil sa pinsala ng bagyong Basyang!

Sean Antonio/BALITA