Nagbigay ng pahayag ang grupong Tindig Pilipinas matapos ilabas ng International Criminal Court (ICC) ang dokumentong kung saan tinukoy ang mga co-perpetrator umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong giyera kontra droga.
Matatandaang kabilang sa mga pinangalanang co-perpetrator umano ni Duterte ay sina Sen. Bato Dela Rosa at Sen. Bong Go.
Maki-Balita: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC
Sa latest Facebook post ng Tindig Pilipinas nitong Sabado, Pebrero 14, sinabi nilang consistent umano ang mga reklamo laban kay Duterte gaya ng matagal nang alam ng marami.
“Rodrigo Duterte and his allies conspired to systematically commit mass murder against Filipinos from his time as Davao City Mayor up to his presidency,” saad ng grupo.
Dagdag pa nila, “The fact that they were able to operate with brazenness during their term of office only strengthens the belief that they would have evaded accountability if not for the families and victims who brought this case before the ICC.”
Kaya naman pinuri ng Tindig Pilipinas ang tapang ng mga biktima ng extrajudicial killing ni Duterte dahil gumulong ang kaso.
Anila, “It was the courage of victim-survivors that advanced this case when institutions failed them and instead shielded those who conspired with Duterte.”
Sa huli, muling kinalampag ng grupo ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para ibalik muli ang Pilipinas bilang kasapi ng ICC bilang proteksyon sa posibleng pang-aabuso sa hinaharap.
Matatandaang nauna nang inihayag ng Palasyo noong Oktubre 2024 na hindi umano babalik ang Pilipinas sa pagiging miyembro nito.
Maki-Balita: Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang