Nagmungkahi si dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon kay Sen. Robin Padilla na tumakbo na lang daw itong bise presidente kung hindi na niya balak mag-senador ulit.
Matatandaan kasing diretsahang inihayag ng TV host at misis ni Padilla na si Mariel Rodriguez sa publiko ang tila planong hindi na pagtakbo ng kaniyang mister sa darating na 2028 elections sa isang panayam noong Enero 2026.
“I don’t know if…okay…that’s a really good question, because Robin doesn’t—Robin does not. Ayaw niya na. He is always saying that because nababagalan siya sa mga bagay-bagay ganoon,” saad ni Mariel.
KAUGNAY NA BALITA: ‘[People] don’t deserve him!’ Mariel Rodriguez sinabing ‘di na tatakbo Sen. Robin sa 2028
Ayon naman sa naging pahayag ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 13, 2026, sinabi niyang dapat daw na mag-bise presidente na lang si Padilla kung ayaw na nito sa umano’y araw-araw na bangayan sa Senado at makipag-tandem kay Vice President Sara Duterte sa Halalan 2028.
“Kung ayaw na magsenador ni Robin Padilla dahil araw araw nagbabangayan sa [Senado],” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Guanzon.
Aniya, “Mag Vice President [na lang] siya kay VP Sara, [at least] kung manalo ang tandem, hindi kakagatin ni [Robin] [‘yong] isa.”
Ani Guanzon, kapuwa raw malakas si Duterte sa Visayas at Mindanao habang malakas naman si Padilla sa Mindanao at sikat sa Luzon.
“Na kay Inday na ang Visayas at Mindanao, malakas din si Robin sa mindanao at sikat sa Luzon,” pagtatapos pa niya.
Dahil dito, hindi naman napigilang magpasalamat ni Padilla kay Guanzon dahil sa umano’y pantay na pagpapakatao nito sa taas ng kaniyang pinag-aralan.
“Malalim na pasasalamat at pagpupugay po sa mga tunay na henyo, Justice Noel Tijam at commissioner Rowena Guanzon, ang kanilang taas ng pinag aralan ay kapantay ng taas ng kanilang pagkatao,” saad ni Padilla sa kaniyang Facebook post noon ding Biyernes, Pebrero 13, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028
MAKI-BALITA: Tinanong kasi kung lesbiana: Rowena Guanzon, inurirat ilang inches etits ni Mon Tulfo
Mc Vincent Mirabuna/Balita